"Chami! Tara na!""Wait lang!" Sagot ko rito. Hindi na ako mapakali kasusuot ng sapatos dahil sa kasisigaw nitong bestfriend ko.
"Ang tagal mo." Reklamo nito pagbaba ko.
"Hindi kapa nasanay! Hehe tara na?" Yaya ko dito.
"Malamang! Tsk." Asik nito sabay talikod sakin. Aba! Ang sungit!
"Hoy! Tim.. Teka nga!" Pigil ko rito. Inis naman ito ng humarap sakin pero 'di ko pinansin ang pagsusungit niya dahil natuon na ang atensyon ko sa kabuuan niya. Ilang besis ko pang itinaas baba ang pagtingin sakanya na namamangha. "Abaaa! Ang gwapo natin ngayon ah!" Natutuwa kong puna sabay tingin ng diretso sa mata niya.
"Tsk. Dati na ngayon mo lang pansin? Tara na manonood lang tayo ng sine ang dami mo ng arte!" Tugon nito sabay hila sa akin pasakay sa motor niya. Agad naman akong napatingin sa suot ko, maarte naba yung ganitong suotan? Tsk. Hindi ko na siya pinansin at sumakay nalang sa motor niya.
Pagkarating sa sinehan hinanap na namin ang mga kaklase namin na kanina pa kami hinihintay.
"Tim!" Sigaw ng isa sa mga kaklase namin.
"Naks! Hi mister pogi!" Pagbati ng isa pa.
"Gwapings na gwapings ka Mister ah!" Pagpupuna ng isa pa ulit.
"Teka ngaaaaaa!" Singit ko. Dahil parang 'di manlang nila ako nakita. "'Wag niyo ng punahin yan, tsk" asik ko pa.
"Asus! Selos ka lang ehhh! Kailan ba kasi kayo aamin?" Pang aasar ng isa.
"What??? I mean... Hello? Im here kaya! 'Di niyo manlang napansin tong gucci dress ko!" Pagtatampo ko.
Sabay sabay naman silang nagtawanan. Ngumuso naman ako at tumingin kay Tim na nakangiti sa akin. Inakay ako nito papasok sa loob ng sinehan dahil nauna na ang mga iba.
"Maganda ka naman sa kahit anong suot at ayos mo." Sinserong sabi nito habang naglalakad.
"Ayieee. I know right!" Sabi ko rito na pumalo pa sa braso niya.
Siya Si Tim ang aking Boybestfriend since elementary, ngayong graduating na kami ng high school ay balak pa rin namin magsama sa college. Astig ba? Hehe kung minsan nga napagkakamalan kaming magkarelasyon pero balewala lang samin. At madalas yung mga humahanga sakanya nagpapatulong sakin para mapalapit sa bestfriend ko. Pero kahit ni isang besis wala siyang naging girlfriend.
~~~~~~~~~~~~kinabukasan~~~~~~~~~
Araw ng lunes ngayon at heto na kami ng bestfriend ko papuntang school sakay sakay ng motor niyang mas mahal niya pa kaysa sakin.
"Bumaba kana!"
"Ito na! Atat na atat?" Naiinis kong sambit.
"Dapat sayo iniiwan sa bahay niyo dahil sa sobrang bagal mo! Nang maranasan mong mag commute at magsisi ka dahil pinag aantay mo ang gwapong student council ng school. Tsk!" Reklamo nito.
"Sorry ah? Cheerleader lang naman 'tong kausap mo! Alam mo namang 'di pa ako pinapayagan mag drive ng parents ko eh! Kung ayaw mo akong sunduin ba'la ka! Break na tayo!" Sigaw ko sabay talikod sakanya.
Araw araw niya akong hinahatid sundo. Ang totoo kasi mabagal talaga ako kumilos. Kung minsan pa nga siya pa yung gumigising sakin.
Naglalakad na ako papuntang campus ng makaramdam ng brasong umakbay sa akin. Sabi na nga ba hindi rin ako matitiis neto ih, hihihi
"Tsk. Walang ganun, Chami! Kahit kailan 'di tayo magbe-break! Bahala ka magsawa sa bestfriend mo hehehe" nakangisi nitong bulong sakin habang naglalakad kami.
YOU ARE READING
Short Story Collections
Short StoryHello Everyone! Here's my short story creation. Enjoy!