A Girl Behind The Camera

3 2 0
                                    

"I already told you about this!" Galit na sabi nito sakin.

"I really want to do this, please kuya!" Nagmamakaawa na pakiusap ko sakanya.

"No, Quit that Job or Leave our house." Galit ngunit mahinang tugon nito. Agad na tumayo at dumiretso na paitaas patungo sa kaniyang kwarto.

Hays. I am sooooooooooo MALAS! Bakit pa kasi ako nahuli ni Kuya na umeextra nanaman. Nasambunutan ko na lang ang aking sarili at tinungo na rin ang sariling kwarto.

Pagpasok ko palang ay nag ring na agad ang phone ko.

"Hello?" Sagot ko.

"Shang! Ano oras daw shooting bukas?" Tanong sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman ako dahil sa narinig ko.

"Riann, hindi na ako pwedeng umextra sa shooting. Nahuli nanaman ako ni kuya!" Malungkot na tugon ko.

"Ha? Hala paano yan? Ikaw lang may hawig kay Ellishy! Alam na ba ito ni direk?" Tanong nito.

"Hindi pa. Pero bukas ng umaga tatawagan ko siya para magpaalam." Sagot ko.

"Hmmm... Sige Goodnight!" Paalam nito. Pagkababa ng telepono ay pabagsak na humiga ako sa kama. Paano na kaya ito?

~~~~~~~~~~~Kinabukasan~~~~~~~~~

*tok tok tok*

"Hmmm..." Sagot ko ng makarinig ng mahinang katok. Nanatili pa rin akong nakahiga at hindi pa rin nag mumulat ng mata.

*tok tok tok*

"Hays. Kuya naman eh!" Mahinang reklamo ko pagbangon. Nagkusot kusot pa ako ng mata habang tinutungo ang pinto.

"Kuya naman, alam mo nama-" pagbukas ng pinto ay nagulat ako sa taong bumungad sa akin.

Dapak? Bakit ngayon pa? Arghhhhh! Hindi ako prepared ngayon! Pinikit ko ulit ang aking mata at muling dumilat, shems! Totoo nga! Nandito siya! Kinusot kusot ko pa ang aking mata ngunit nanatiling nakatingin ito sa akin.

"Mukha kang tanga jan. Bumaba kana at hihintayin ka namin ng kuya mo." Litanya nito at agad na bumaba.

Naiwan pa akong nakatanga at hinihintay na mag sink-in ang mga nangyari.

"Waaaaaaaaaaah!" Mahinang tili ko papunta sa kama at nag talon talon.

"Nandito na si Beckett!" Kinikilig na bulong ko sa sarili.

Agad akong tumakbo sa cr upang maligo. At namili pa ng kaaya-ayang damit.

Pagkababa ko ay nakita ko ng naguusap ang dalawa. Si Kuya mukhang bad mood pa rin.

"Kuya Keil!" Tawag ko dito. Agad itong napalingon sa akin ngunit tinignan lamang ako nito at ibinalik ang paningin kay Beckett.

"Kuya kooooooo! Sorry naaaaaa!" Paglalambing ko dito. Yumakap pa ako sakanya at ngumuso ngunit tinaasan lamang ako ng kilay nito. Hmpf! Napakasuplado!

"Let go of me, Sasha!" Mahinang bulong nito habang tinatanggal ang mga braso ko sakanya.

"Disgusting!" Rinig kong bulong ni Beckett. Napatingin naman ako sakanya at hindi maiwasan ang mamula. Pigilan mo ang sarili mo Sasha!

"Bakit ka nga pala bumalik ng Pinas?" Tanong ko rito. Kailangan kapag kausap mo siya kalmado mode ka Sasha at syempre para mas astig kailangan medyo may angas whahahahaha.

"Mas hawak ko ang oras ko dito sa Pinas, infact I hated the atmosphere in London yung mga katrabaho ko masyadong competitive." Sagot nito.

"So... You're staying here for good?" Tanong ko.

Short Story CollectionsWhere stories live. Discover now