"Hello, Hon!"Napangiti agad ako ng makita ang boyfriend kong nasa labas ng gate.
I automatically run and hug him tight.
"Miss me, huh?" Natatawang tanong niya. Niyakap rin niya ako at hinalikan sa noo. Tumingin naman ako sakanya.
"Duh! Three days din tayong hindi nagkita ano!" Nakangusong sambit ko.
"Yeah. So let's go?" Yaya niya habang nakalahad ang kamay. Agad ko namang iniabot ang kamay ko at sumabay sakanyang maglakad upang marating namin ang kotse niya.
Pinagbuksan naman agad ako ng pinto ng marating namin ang sasakyan niya. Ngumiti pa muna siya bago tuluyang pumunta sa driver seat.
"I talked to your mom earlier, hon. Nag set nanaman ng travel to London since may one week siyang day off. We're going there with my family, nakakaexcite." Nakangiting kwento niya habang nagmamaneho.
"Three and half years na tayo pero hindi ko pa rin na me-meet ang mommy mo." Nakangusong sabi ko.
"Well, honestly hon hindi ko rin alam ang exact place kung saan nakatira si mom. Simula ng maghiwalay sila ni Dad sinubukan namin siyang hanapin ni Kuya pero kahit kaunting impormasyon nahihirapan kami."
"Do you miss her?" I asked.
He smiled sadly, "Ofcourse. She's my mom who gave birth and take care of me. Im so lucky to have her dahil noong bata ako wala siyang pagkukulang bilang ina sa amin ni kuya. She's lovely and kind, daig pa teenager kung mag ingay at magbiro. Napaka cheerful ni mom kaya sa bahay kahit siya lang ang babae sa amin, We felt alive and complete."
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan siya. Batid ko ang lungkot sa boses niya ngunit sinasabi ng mata niyang masaya siya habang nagbabalik tanaw sa alaalang mayroon siya.
Mag aapat na taon na kami pero heto pa rin ako at lalong nahuhulog sakanya.
"I love you, Hon." Nasambit ko habang nakatingin sakanya.
Nakita ko pa ang kislap sa mga mata niya at halata rin ang kaniyang pamumula. Naiba bigla ang ihip ng hangin...
"Hon, nahihiya ako." He said then bite the bottom of his lips.
"Hahahaha, nag I love you lang eh!" Natatawang sabi ko.
Nagulat ako ng bigla niyang ihinto ang sasakyan at tumingin ng seryoso sakin.
"I love you too, Hon. Mahal kita na nasa punto na akong hindi mo pa ako pinapakasalan pero nararamdaman kong sa akin ka lang nakalaan." He said that and kiss me in my forehead. I slowly close my eyes and smiled.
This is my life, having a responsible man and supportive family. Masasabi kong napakaswerte ko na dahil ibang iba ito sa buhay ko noon.
Noon, mga panahon na naranasan ko ang impyerno bago marating ang langit.
4 years ago...
"Just do it. Lahat ng sinasabi nila gawin mo ng hindi kana mahirapan." Bulong niya sakin.
"Pero big sis... Hindi ko kaya. G-gusto k-k-ko n-ng u-umuwi." Nagsisimula ng pumatak ang aking luha. Dala ng takot, kaba, pagkalito at sobrang pandidiri.
"Ano ka ba! Hubarin mo na 'yang jacket mo at ilang minuto nalang magsisimula na ang bidding." Utos niya sa akin habang hinihila ang jacket kong nagtataklob sa maselan kong katawan. Ngunit mahigpit ko pa rin itong hawak.
Napatingin ako sa paligid. Red, Orange and black, the only lights we have. Habang may umiikot na blue lights kung saan hindi ko makita ang buong paligid dahil nakakahilo ang ilaw idagdag pa ang usok na nagmumula kung saan.
YOU ARE READING
Short Story Collections
ContoHello Everyone! Here's my short story creation. Enjoy!