Chapter 08

2K 107 42
                                    







"Ano'ng ginagawa mo dito?"


I asked gulat pa din dahil nasa harap ko siya ngayon, Hindi pa din nagsisink in sa'kin na nandito siya. Nandito siya sa Pampanga! Ano'ng ginagawa niya dito? Bakit siya andito sa harap ng bahay namin ngayon?


"P-Paano mo?" Hindi ko naituloy ang itatanong ko dahil gulat pa din ako dahil andito siya.


"Can I come in?" He asked, Dahan dahan akong tumango at umusog para makapasok siya, Pumasok naman siya.


"G-Gusto mo ng tubig?" I asked, Tumango lang naman siya. Dali dali naman akong pumunta sa kusina namin para kumuha ng maiinom niya, Pagbalik ko nakita kong tumitingin siya sa paligid, I pressed my lips together. Andito nga talaga siya.


"O, Tubig mo." Malamig kong sabi, Para hindi naman niya mapansin sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagdating niya.


Tinignan niya ako from head to foot bago tanggapin ang tubig na binigay ko, Napatingin din ako sa sarili ko. Shit! Wala pala akong bra, Naka pikachu fluffy slippers pa ako! Dali dali akong umakyat sa taas ng walang pasabi. Nag-bra ako at inalis ko ang tuwalya sa ulo ko at nag-suklay ako kumuha pa ako ng pabango at inispray 'yun sa'kin.


"Ano bang ginagawa ko?" Tanong ko sa sarili ko, Umiling ako at binalik ang pabango at bumaba na.


"Sino ka?" Nanlaki ang mata ko ng andon na si Aiz at si Au na nagtatago sa likod ni Aiz. "Ano'ng ginagawa mo sa bahay namin?"


"I'm your Sisters crush." Napaawang ang labi ko sa sagot ni Ricci, Kaya dali dali akong lumapit. Sabihin ba naman sa mga kapatid ko na siya 'yung gusto ko?


"Ate? Crush mo daw 'to?" Litong tanong ni Aiz at tinuro pa si Ricci.


"H-Ha? Hinde, Siya may crush sa'kin." Sabi ko naman. Napatingin naman sa'kin si Ricci, Pero hindi ko siya binalingan.


"Ano'ng meron dito?" Pare-parehas kaming napatingin kay Papa ng makita kong pababa siya sa hagdan at nakatingin sa'ming lahat.


"It's ate's crush!" Nanlaki ang mata ko ng tinuro ako ng maliit kong kapatid na walang kaalam alam.


"Ano?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Papa.


"Hindi Pa ano," Tinignan ko naman si Ricci, Lowkey asking for help mukhang nakuha naman niya iyon.


"Ricci Archero po, Sir." Simple niyang sabi.


"O? Ano'ng ginagawa mo dito, At ano'ng kailangan mo sa anak ko?"


"May gusto lang po sana akong sabihin sa anak ninyo." Napalingon ako sakaniya, May sasabihin siya? Akala ko ba ayaw niya na akong makausap?


"At pumunta ka pa dito? Para doon?" Tumango naman si Ricci na parang hindi kinakabahan kay Papa. Nilingon naman ako ni Papa nakakunot ang noo.


"Pa, Sa labas na lang po kami mag-uusap. Uuwi din po ako."


Bago pa makapagsalita si Papa ay hinila ko na si Ricci sa labas, Kinuha ko ang hoodie ko na nakasampay at lumabas na din. Nakita ko ang kotse niya sa labas pumasok agad ako doon kaya pumasok na din siya. Tinuro ko lang sakniya kung saan kami mag-uusap, Kahit hindi ko alam kung ano ang paguusapan namin.


Pagbaba namin madami dami ang tao sa harap ng Holy Rosary Parish Church, May fountain dito at may malaking nakalagay na Angeles at umiilaw 'yon. Madaming tinda dito katulad ng puto bumbong, Bibingka at kung ano ano pa.


Untamed Heart ( Crush Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon