Kleabel Saveina POV
Kanina ko pang pinagmamasdan ang ceiling sa taas pero wala pa rin akong maisip na sagot sa maraming tanong na nais kong malaman. Tila ba kay hirap hanapan ng sagot kahit na itanong ko kay lola ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko ,pero nagdadalawang isip ako. Di ko alam kung pano ko ito itatanong sa kanya.
Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang ito naisip. Dapat pala noon pa lang tinanong ko na gaya ng;
Lola nasan po ang ama ko?
Totoo po bang iniwan nya kami?
May mga kamag-anak ba sya?
May pamilyang iba kaya iniwan kami?
Ilang taon na ba ako ngayon 21 pero hindi ko pa rin kilala ang aking tunay na ama. Habang nagkakaisip ako at nakikita ko yung mga kaklase ko na sinusundo ng kanilang ama o ina, naiinggit ako. Samantalang ako uuwing mag-isa walang sasalubong paglabas ng paaralan.
Ano kayang pakiramdam ng may matawag na "papa" , "daddy", "tatay" etc.
Minsan lang ba inisip nya ako na anak nya bago sya umalis at iwan kami.
Bakit may mga ganong lalaki kapag nakuha na nila yung kanilang gusto basta ka na lang iiwan sa ere. Hindi nila naiisip ang mga pinagdadaan ng mga ina para lamang iluwal ng maayos ang kanilang anak.
Kadalasan sa mga lalaki pasarap lang sa buhay ang alam. Pero di ko naman nilalahat baka magalit kayo sakin ha.
"Klea ano ba tanghali na may pasok ka ba?" nagitla ako sa sigaw ni lola.
"Meron po"
"Aba'y kumilos kana. Anong oras na oh"
"Opo lola"
-------
Pagbaba ko ay nakita ko si lolang nagkakape.
"Magkape kana, may tinapay dyan"
"Opo lola. Magtitinda po ba kayo ngayon?"
"Mamayang hapon pa. Tamang tama para sa merienda mamaya"
"Sige po lola, mag iingat po kayo"
------
Malapit na ako sa bayan ng makita ko ang aking mga kaibigan na kanina pa yata naghihintay sakin.
"Tanghali ka na naman"-Melody
"Iiwan ka na sana namin ee hahaha"-Shien
"Tara na lalo tayong malelate, nagchichismisan pa kayo jan"-Cris Anne
"Hahaha sorry na. Nag iisip pa ako kanina ee"
"May isip ka pala?"- Melody
"Haha sempre ikaw lang naman ang wala"
------
Pagkababa ng tricycle ay dali-dali kaming tumakbo dahil malelate na kami, terror pa naman ang first subject namin.
"Bakit kapag ang estudyante ang nalelate, nagagalit na agad ang teacher. Samantalang pag sila ang nalate okay lang"-Melody
"Hahaha dami mong alam"-Shien
Pagdating namin sa classroom ay saktong papasok pa lang ang teacher namin kaya pumasok kami agad.
"Goodmorning class"
"Goodmorning ma'am"
"Mag aactivity tayo ngayon. Gagawa kayo ng java program"
Lintek na logic yan, ewan ko ba kung bakit itong kursong ito ang napili ko. Wala naman akong kaalam alam sa computer, palibhasa'y taga bukid kami. Napasama lamang ako sa mga kaibigan ko dahil ito din ang napili nila. Nung grade 11 kasi kami ang kinuha namin ay Computer System Servicing. Akala ko madali nung una mahirap pala. Pero achievement na din sakin yun dahil nakagraduate ako ng senior high kahit na wala akong alam sa kinuha kong program.
Kaya dun sa mga taong nagdadalawang isip sa gusto nilang kunin, pag isipan nyo ng mabuti para hindi na kayo mahirapan pa. Sabagay lahat naman pinaghihirapan kaya go go lang.
"Set 1 A-F, Set 2 G-Z mayroon lang kayong 30 minutes para matapos nyo ang program"
Buti na lang set 2 ako. Ang surname ko kasi ay Viernes unique diba parang friday lang.
"Lumabas na muna yung Set 2"
"Okay ma'am"
---
Don't forget to vote and comments :)

YOU ARE READING
Family History
Short StoryBawat pamilya may kwento.May masasaya at malulungkot na pangyayari. Sa isang pamilya hindi maiiwasang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. May pamilyang iniwan. Umalis hindi na bumalik. May single parent dahil hindi pinanindigano kaya mga dahilan n...