After naming magprogram daig pa namin ang sumabak sa digmaan,digmaan ng mga utak.Buti na lang may kaunti akong knowledge sa pagpoprogram.
"Tara na sa next subject natin"- Shien
"Anong subject ba?"- Melody
"Calculus bes"- Cris Anne
"Yan na naman tayo sa laging hinahanap ang x tapos hahanapin din ang sagot na y"
"Ha?"-Shien
"Hakdog tara na"
Pagkarating namin sa classroom nagkakagulo na naman ang mga kaklase naming daig mo pang nakawala sa mental.
---
"Anong sagot nyo sa 1, kasi naman si ma'am may surprise quiz pala"- Melody
"San ka nakakita ng surprise na sinabi?"- Cris Anne
"Oo nga naman ito talaga si Klea di nag iisip"- Shien
"Anong ginamit nyong formula?"-Melody
" Yung number 2 sa lecture"- Cris Anne
"Nakalimutan ko ang formula kaya gumawa na lang ako ng akin"
"Hahaha tama ba naman sagot mo?"-Melody
"Di ko nga alam, baka hulaan na lang din ni sir ang grade ko hahaha"
---
"Class sa susunod na linggo ay father's day na.So magkakaroon tayo ng konting ambagan para sa mga lalaki nating guro.Dahil para na rin naman ninyo silang pangalawang ama."
"Ano na ba naman yan,ako nga walang unang ama mayroon palang pangalawa"
"Ang dami mong alam Klea hahaha"-Shien
"Pano ba naman kasi gastusin na naman,pwede namang through letters na lang tapos may nakalagay na Happy Father's day tsaka bakit ba need pang mag ambagan,tapos pag teacher's day may ambagan na naman no?-Melody
"Oo tapos ibibili nila ng pagkain,sila lang din ang kakain di tayo bibigyan tayo ang lugi"-Cris Anne
Natapos ang klase namin at lunch na.Naisipan naming sa labas na lang kumain.
"Anong balak nyo ngayong father's
day?""Dadalawin namin ang puntod ni papa"- Cris Anne
"Kami naman isusurprise namin nina ate"- Shien
"Ikaw Klea?"-Melody
"Diko nga alam kung bahay pa ba yun o patay na"
"Bakit di mo ba tinatanong sa lola mo o sa ina mo?"-Shien
"Maka ina mo naman to"-Cris Anne
"Edi sa mama mo"-Shien
"Wala nga akong tawag dun e"
"Bakit naman wala?"-Cris Anne
"Hindi ko nga din alam,nahihiya siguro ako,pero close naman kami"
"Nasan ba mama mo?"- Cris Anne
"Nasa Lipa dun sila nakatira kasama ang dalawa kong kapatid"
"Close ba kayo ng kapatid mi,diba magkaiba naman kayo ng ama?"- Melody
"Nung una talaga hindi kami magkasundo nung isa kung kapatid,dun kasi ako pumasok ng grade 2 ako.Nagsasabunutan pa nga kami.Sempre parang ang lonely ko naman dun hindi ko pa kasi kasundo yung stepfather ko."
"Oh e anong nangyari"- Shien
"Bumalik ulit ako sa lola ko,dito ulit ako pumasok ng grade 3 hanggang grade 6"
"Oo nga magkakaklase na tayo ng tima na yun e"-Shien
"Grade 7 kinuha ulitvakonng aking ina para dun mag aral, pumayag ang lola ko.Wala na naman akong magagawa ee."
"Oh tapos?"- Melody
"Naging close na din naman kami ng mga kapatid ko pati na rin yung stepfather ko kahit na wala akong tawag dun.Diko nga maintindihan sarili ko kung bakit wala akong tawag sa ina ako at asawa nya.Siguro nasanay na ako ng ganon."
"Oh sya tama na ang kwentuhan baka mamaya umiyak ka na jan hahaha"- Shien
"Hindi naman hahaha nagpakwento kayo ee"
"Tapos na ba kayo kumain tara na.30 minutes lang lunch natin"- Cris Anne
After naming maglunch nagpunta na kami sa aming next subject.
----
Don't forget to vote and comment :)

YOU ARE READING
Family History
Short StoryBawat pamilya may kwento.May masasaya at malulungkot na pangyayari. Sa isang pamilya hindi maiiwasang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. May pamilyang iniwan. Umalis hindi na bumalik. May single parent dahil hindi pinanindigano kaya mga dahilan n...