Prologue

2 0 0
                                        

Bawat bata pinapangarap na magkaroon ng buong pamilya.Sino ba ang hindi diba?

Lumaki akong walang kinikilalang ama.

Ang kwento ng aking lola sa akin ay hindi pa ako ipinapanganak ay nagpaalam ang aking ama na magtatrabaho sa ibang lugar.Ngunit may mga tao talagang hindi tapat sa kanilang salita.Hindi kayang panindigan ang kanilang ginawa,matapos makaranas ng sarap ay iiwan na lang ito.

Simula bata pa lamang ako ay nasa pangangalaga na ako ng aking lola.Iniwan ako ng aking ina sa aking lola upang sya'y magtrabaho.Sa pangalawang pagkakaton pakiramdam ko'y iniwan na naman ako.

Lumilipas ang mga araw at taon,hindi ko na matandaan kung may pagkakataon bang nakasama ko ang aking ina noong ako'y nagkakaisip na.

Araw ng sabado umuwi ako samin dahil galing ako sa palaruan. Pag kauwi ko ng bahay ay maraming tao.Naguguluhan ako kung ano ang nangyayari.Kinausap ako ng aking lola na ikakasal na pala ang aking ina sa ibang lalaki.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na yun dahil hindi ko nga maalala kung inalagaan nya ba ako pero heto at magpapakasal na sya ,hindi ba pwedeng yung kami munang dalawa.Bumawi sya sa mga oras na wala sya habang lumalaki ako.

Araw ng kasal ay nagtulug-tulugan ako ayokong pumunta sa simbahan,hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Unti-unting tumulo ang luha ko.

Family HistoryWhere stories live. Discover now