Zanjo's POV
NATIGIL lang si Pepper sa pag-iyak nang dumating na ang mga pagkain. Sisigok-sigok itong nagpunas ng luha at nag-umpisang kumain. Hindi man lang nang-alok.
Hindi na ito kumibo, hindi na rin naman na ako nagsalita. Kanina kasing inaalo ko siya bigla na lang nambulyaw kaya minabuti ko na lang na hindi na umimik at manahimik na lang.
Buti na lang at nag-text si Betina na hindi ito makakapunta sa dinner date namin. I was about to call her to make some excuses just to avoid her from coming here. Napahilot na naman ako sa sentido ko para akong nanghihina sa nalaman though hindi pa rin ako 100% sure na kumbinsido na nabuntis ko nga si Pepper.
Fuck! Paniguradong maitatakwil ako ni Mama kapag nalamang nagkaroon ako ng anak out of wedlock. Sagradong katoliko ang Mama ko at mahigpit na bilin niya sa akin na wag na wag na wag akong mambubuntis ng hindi pa ikinakasal. Fuck! Tapos nakabuntis pa ako ng isang menor de edad, triple fuck! Baka hindi lang ako basta itakwil, baka isumpa pa ako ni Mama.
And there's Betina, mag-three years na kami. On and off nga lang. Busy kasi si Betina sa modeling career niya kaya madalas kaming magtalong dalawa dahil sa schedule niya. Hindi naman ako tutol sa mga nangyayari sa career niya, I even supported her, ang kaso may pagkakataon na halos dalawang buwan kaming hindi nagkikita at nag-uusap dahil sa sobrang busy niya.
Nagkatampuhan nga kami ni Betina last month sakto naman na pinilit ako ni Mama na dumalo sa wedding anniversary ni Tita Calota at ni Tito Mauricio kaya pumunta na lang ako ng Bulacan. Si Tito Mauricio ay kapatid ng Papa ko, isang retired general samantalang isang retired marine official naman ang Papa ko. Hindi nga lang ako sumunod sa yapak ni Papa dahil na rin sa kagustuhan ni Mama na matutunan ko ang pagpapatakbo sa family business nila Mama; ang Rosales Food Corporation. Siya ang Marketing Manager sa company na pag-aari ng Lolo at Lola niya na ipinamana naman sa Tita Glizeria niya na kapatid ng Mama niya at sa Mama niya mismo.
Nang magpunta ako ng Bulacan doon ko nakita si Pepper. Naagaw ang atensiyon ko dahil sa lahat ng bisitang naroroon ito lang ang bukod tanging nakatayo sa tabi ng buffet table at pumapapak ng handa. Naaliw ako sa panonood sa kanya hanggang sa maisipan kong lapitan siya. Alam ko namang bakla ang pinsan ko kaya sigurado akong hindi niya girlfriend si Pepper. Ang kaso hindi ko naman akalaing menor de edad pa pala ito. Ang akala ko ay nasa twenties na ito kagaya ng pinsan ko. At ibang iba ang ayos nito sa Bulacan kumpara sa ayos nito ngayon. Mukha itong highschooler - o baka nga high school pa lang talaga ito. Samantalang dalagang-dalaga itong tignan noon sa wedding anniversary ng Tito at Tita ko. Nakasuot ito ng puting off shouder na hanggang sa itaas ng pusod lang ang haba at high waist na ripped jeans.
Di ko nga ito nakilala kanina. Naalala ko lang ang malalambot na labi nito nang lumapat sa mga labi ako. Ang mga labi kasi nito ang talagang tumatak sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang labi nitong parang bulak at amoy baby ang hininga. Pero dahil rin don kaya sumasakit ang ulo ko ngayon.
Ano'ng gagawin ko kung totoong buntis nga ang babaeng 'to? Paano na ang plano ko para sa aming dalawa ni Betina? Hindi ko naman puwedeng pabayaan ito lalo na ang anak kong nasa sinapupunan niya.
Biglang may excitement akong nadama dahil sa salitang anak. Twenty five pa lang naman ako at hindi pa naman atat na magka-anak pero may haplos sa puso ko ang isiping magkaka-anak ako.
Hindi ko lang akalain na sa ganitong edad magkaka-anak na agad ako. Ang plano ko kasi mag-propose kay Betina, at after five years saka kami magpapakasal. Compatible naman kami ni Bentina, pareho kaming career oriented at magkasundong-magkasundo kami sa kama. Si Betina rin ang tipo na pangangaraping maging asawa ng kahit na sinong kabaro ko.
Kaso mukhang malabo na iyong mangyari ang mga plano ko. Napabuntonghininga na lang ako dahil sa panghihinayang.
Napatingin naman sa akin si Pepper. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa babaeng to. Punong-puno ang bibig habang ngumuya at may mga sauce pa sa gilid ng labi. She looks so adorable yet annoying. Para itong batang musmos na hindi pa alam ang etiquette sa tabble manners. Yari talaga ako kay Mama nito. Ayaw pa naman ni Mama sa mga taong walang table manners. Kung ako nga noon nakakatikim ng kurot kapag napapalakas ang paghigop ng sabaw.
Ah! Bakit ba yun agad ang iniisip ko? Tanggap ko na bang ipakilala kay Mama si Pepper? No, hindi pa dapat. Kailangan ko munang makaisip ng paraan. Saka ko na lang iisipin kung paano sasabihin kina Mama ang tungkol kay Pepper kapag no choice na ako.
"Hindi ka ba talaga kakain?" anito kahit puno ang bibig. Umiling ako na ikinakibit balikat naman nito saka muling nagpatuloy sa pagkain. Nakakapagtakang huminahon ito. Siguro'y gutom na talaga kaya mas piniling kumain kaysa kulitin ako nang kulitin. Hinintay ko siyang matapos hanggang sa hindi ko na napansin na nag-e-enjoy na ako sa panonood kay Pepper.
"Alam na ba ng parents mo na buntis ka?" tanong ko kay Pepper. Napahinto naman ito sa pagkain at tila natigilan.
"Hindi pa," maikling anito.
Napatango naman ako. Medyo nakahinga ako nang maluwag na hindi pa alam ng parents nito ang lagay nito. Mahirap na baka maisipan pa ng mga iyon na idemanda ako or worse mapilitan talaga akong pakasalan ito. Ayaw ko pa. Gusto ko munang umisip ng ibang paraan at saka na lang susuko kapag sukol na sukol na ako.
"Sasabihin ko kapag napa-oo na kita. Hindi puwedeng malaman ng magulang ko na buntis ako dahil baka ipapatay ka ng mga yon," seryosong aniya na nakapagpalunok naman sa akin. "Ayoko namang walang kilalaning ama ang anak ko kapag nagkataon, kaya nga kinakausap kita ngayon pa lang. Alam mo kasi doon sa Tondo, maraming hired killer na kilala ang mga magulang ko. Kayang-kaya ka nilang ipatumba kung gugustuhin nila."
Binundol naman ng kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi nito. Shit, ano ba naman tong napasukan kong gulo?
©Rawra1441
BINABASA MO ANG
A LIFE WITHOUT YOU
Roman d'amourProdukto si Pepper ng isang broken family kaya naman isa lang ang naging pangarap niya simula ng bata pa siya; to have her own complete and happy family. Nakilala niya si Zanjo Santillan -- pinsan ng bestfriend niya. nang minsang um-attend siya sa...