Prologue:

19 0 0
                                    

"NAKU senyorita! Bumaba na ho kayo riyan at baka pagalitan na naman kayo ng Mommy niyo," natatarantang tawag sa akin ni Manang Anita our Mayordoma.

Andito ako ngayon sa tree house ko. May kataasan nga ito pero matibay naman ang pagkakagawa nila Mang Kardo asawa ni Manang Anita. Pwede ka pa ngang tumalon talon dito eh. Anyway, andito lang naman ako para mag basa ng libro. Ayoko sa loob ng kwarto ko, masyadong nakakasakal kahit gaano pa ito kalawak.

"Sandali na lang po. Bababa na po ako maya-maya," pagsisinungaling ko dahil wala pa akong balak na bumaba.

"Naku ikaw na bata ka. Basta't dalian mo na riyan at malapit nang dumating ang senyora." pagkasabi niya nun ay may narinig na lang akong yabag papalayo na nagpapahiwatig na umalis na si Manang Anita.

Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy sa pagbabasa. Mataas ang punong pinagtayuan ng tree house ko kaya't kitang kita ang labas ng mansyon namin. For 15 years andito lang ako sa loob ng mansyong ito. Nag ho-home study ako dahil ayaw ni Mommy at Daddy na lumabas ako ng mansyon at mag-aral sa totoong paaralan. Hindi ko mawari kung bakit ayaw nila pero iniintindi ko na lang dahil mga magulang ko sila.

Sa kalagitnaan naman ng pagbabasa ko ay may napansin akong kotse na papasok sa gate ng mansyon. Sino kaya ito? Hindi ako pamilyar sa kotseng pumasok na lang at nagpark sa may malapit sa fountain.

"Naku Alicia! Bumaba ka na riyan dahil nakauwi na ang Mommy mo galing Hawii!" malakas na tawag sa akin ni Manang Anita.

Bumaba na ako dahil baka mapalo na naman ako sa pwet ni Manang hehe. Habang bumababa ko sa ladder na pinasadya ko talaga para sa tree house ko ay napansin kong may lumabas na mag-asawa sa kotseng nakita ko kanina at kasabay nun ay may lalaking naka hoodie na black ang lumabas mula sa backseat ng sasakyan. Inpernes ang cool niya tignan sa hoodie niya kahit ang init ng panahon. Baliktad ata utak ng lalaki.

"Alice! Pinapatawag ka ni Senyora," tawag sa akin ng isa sa mga kasambahay namin.

"Opo nariyan na po," pag kasabi ko nun ay napagawi ang tingin ng lalaking nakahoodie na nakatitig sa akin.

Madilim ang paraan ng titig nito sa akin pero agad din nagbawi nang tawagin siya ng kaniya mga magulang. Sino kaya ang mga ito?

"Alicia!"

"Ay bakang tinola! Nariyan na po!" inayos ko ang manipis kong salamin sa mata saka lumundag na para mabilis na makababa dahil hindi naman na kataasan ang kinaroroonan ko.

"Jusq kang bata ka halika na," pagtatawag sa akin ni Manang Anita.

Bagot akong tumakbo papasok sa mansyon at nagtungo sa kwarto ko dahil baka mapagalitan na naman ako ni Mommy lalo na't may nga bisita siya.

Nang bumaba ako sa mala fairytale na hagdanan namin ay nakasuot na ako ng simpleng floral dress na kulay pink at naka flat shoes na kulay pink din. Pag baba ko ay nag tungo agad ako sa sala kung saan andoon nga sila Mommy at ang mga bisita.

"Oh, honey come here. Let me introduce you to them," ngiting ngiti na tawag sa akin ni mommy nang mapansing nasa gilid na niya ako.

"Carolin and Alejandro, this is my beautiful daughter. Alicia Reign Mayorga my one and only daughter. You can call her Alice, that's her nickname," matamis na ngiti ni mommy saka ako binalingan.

"Saan ka galing kanina honey? Hmm?" hayy naku mommy ihahanda ko na naman ang tenga ko mamaya dahil alam kong papagalitan na naman niya ako kahit gaano pa siya kahinahon ngayon.

"Ahm... sa tree house ko po mommy. Nagbasa lang doon ng libro," ngiti kong sagot nang makaupo sa tabi niya at hinarap ang mga bwisita- este bisita.

Her Innocence Turned Into WildnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon