08

7 3 0
                                    

IRENE'S POV

"Irene..." Pag katapos niyang sabihin yan ay nakatingin lang kami sa isat isa natandaan ko na tinawag niya akong Irene si no ba si Irene?

Humakbang ako patalikod at dahan dahan kong pinulupot sa katawan niya ang mga sanga

"Anong ginagawa mo dito!" Sigaw ko habang hinihigpitan ang  mga sanga na nakapulupot sakanya

"I'm here to take you with me" sigaw niya habang pinipilit tangalin ang nakapulupot sakanyang mga sanga

"Hindi kita naiintindihan" hinigpitan ko pa ang mga sanga

"Kailangan ko ang tulong mo para matulungan kita" at naghulugan ang mga sanga nakahakabang naman ako patalikod at kinuha ang basketa ko na naglalaman ng mga halamang gamot na kailangan ko sa pageensayo

Iniwan ko na siya at naglakad na ako pauwi sa mansyon ng makarating ako sa mansyon ay nakasunod pa din siya sakin hanggang sa pintuan

Hindi siya dumiretso sa loob at pinangpasawalang bahala ko na lang siya at dumiretso sa paliguan para maligo

Pagtapos ko magbabad ay nagbihis ako at nagtungo sa kusina para kumain at pagtapos ay dumiretso ako sa silid aklatan para kumuha ng babasahin na pampaantok

Pagtapos ko magbasa ay napasilip ako sa bintana at na kita ko siya na nakaupo sa tapat ng pinto at walang ginagawa

Dumiretso ako sa silid ko at nahiga sa kama at nagbasa muli nang dalawin ako ng antok ay agad kong nilagay sa tabi ng bintana ang libro at hindi sinadyang mapatingin sa labas kung saan nakapwesto ang lalaki at nakahawak siya ngayon sa kanyang tyan

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na pinagbubuksan siya ng pinto at hinahandugan ng pagkain

"Dito ang kwarto mo umalis ka na din kinabukasan" tumingin ako sakanya at isang ngiti lang ang iginanti niya sakin

Halos manlambot ang tuhod ko pagtinitingnan ko ang mga Mata niya agad akong nagtungo sa silid ko at nahiga sa kama ko

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa puso kong panay ang talbog.



"Pagod siguro ako"





Ipagpapatuloy...
















DALAMPASIGAN (Heaven, Earth and Ocean Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon