(3 years later)
"Umm? Hi?" Halos sabay sabay silang napatingin at kita ang gulat sa mga mata nila na ipinagtaka ko naman
"Hi? I'm irene" bati ko sakanya at inalok ako kamay ko
"Irene?" I'm confused sobra anong bang nangyayari dito
"Ah! Jisoo!" Pambabasag niya sa katahimikan at inabot ang kamay ko at ngumiti ng awkward
Huh? Sino ba siya? Bakit parang gulat na gulat sila makita tong si jisoo girl?
"Ill explain, Irene she is our friend before you lose your memories" paliwanag ni mark
"Oh? Friend naman pala so what's shocking about that? Mukha kayong nakakita ng multo" sagot ko
"Actually am I looking at one right now? I am starting to freak out!" Napaatras si jisoo
"Jisoo binalik kami ni Irene sa pagkabuhay at ang naging kapalit nun ay nawala ang alaala ang she keep on losing her memories as days goes by..." Saad ni seulgi at napahawak naman sa bibig
"Don't worry mababalik din naman ang alaala ko maybe soon anyways you can join us" pagyaya ko sakanya at umupo na ulit at uminom ng can beer
"Magpapahangin lang ako" tumayo ako at pumunta sa dalampasigan kung saan tumatama sakin ang sariwang hangin
Ang simoy ng hangin ay nagbibigay sakin ng kakaibang pakiramdam
Napaka kalma ng tubig na para bang gusto akong higupin nito.
Lumapit ako sa tubig hang gang sa hanggang tuhod ko na ang tubig
Namamalikmata ata ako nakikita ko ang sarili ko sa ilalim ng dagat pero hindi ko alam kung bakit unti unti ko itong sinusundan
"Irene wag!!"
"Irene bumalik ka dito"
"Irene! No!!!"
"Irene!!!!"
Parang nawawalan ako ng ulirat at hinihigop ng tubig nababaliw ako sa simoy ng hangin
Unti unting nanlalabo ang mga mata ko at nawawala ang pandinig ko
Naramdaman ko ang isang malamig na bisig
"Ina.." Usal ko bago bumagsak ang mga talukap ko.
Ipagpapatuloy....
BINABASA MO ANG
DALAMPASIGAN (Heaven, Earth and Ocean Series #2)
Romancehanggang sa muli kitang makita...