IRENE'S POV
Nagamit ko ang kapangyarihan ko para madala kami sa pinakamalapit na Isla kailangan ko munang mareset ang lahat bago ko sila mabuhay ulit
Dahan dahan ko silang inihiga sa sahig at nilagyan ng simbolo ang mga katawan nila
Muli kong sinilayan ang mga katawan nila na puno ng sugat at halos mamutla na katawan nila
Pumikit ako at umusal ng mga dasal at nagliwanag ang mga katawan nila
"sanarlos, revivirlos, despertar sus almas y sanar sus corazones heridos"
"sanarlos, revivirlos, despertar sus almas y sanar sus corazones heridos"
"sanarlos, revivirlos, despertar sus almas y sanar sus corazones heridos"
"sanarlos, revivirlos, despertar sus almas y sanar sus corazones heridos"
Nang matapos ko mausal ng mga dasal at minulat ko ang mata ko at tiningnan sila isa isa
Hindi agad bumalik ang kanilang kulay kasalukuyang naghihilom ang mga sugat nila
Nagtupunta ako sa banyo para kumuha ng malinis na towel at malinis na tubig para punasan ang mga naiwan na dugo sa katawan nila
Pagkatapos ay kinumutan ko sila ng malilinis na tela
Hindi magtatagal ay magigising din sila
Napatingin ako sa kamay ko at ramdam na ramdam ko ang pagod dahil hindi ordinaryong kapangyarihan ang ginawa ko
"Irene? Sure ka ba na gigising sila agad?" Saad ng bagong pasok na si seulgi na kasama si joy at si sungjae
"Kailangan ko na magpahinga bantayan niyo lang sila dahil magigising sila at magtatanong sila kung anong nangyari" Saad ko at nagtungo na sa silid ko
Agad akong nakatulog dahil sa sobrang pagod at ng magising ako ay matining na ng araw
Lumabas ako sa kwarto at nakaayos na ng higa ang anim sa mga sofa at ang iba ay nakalatag sa carpet, mukhang nagising na sila at nakatulog na din sila
Lumabas ako at inamoy ang simoy ng hangin maaliwalas ang lugar na ito pero hindi kami pwede tumigil dito
Tiningnan ko ang tinutuluyan namin at masyado itong maliit para tirahan ng sampung tao kailangan na namin lumipat ng tirahan
"Goodmorning!"
Ipagpapatuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/238678740-288-k406707.jpg)
BINABASA MO ANG
DALAMPASIGAN (Heaven, Earth and Ocean Series #2)
Romansahanggang sa muli kitang makita...