GITNA

3 0 0
                                    


Tumigil ako sa basag-ulo, pilit na iniwasan ang mga bagay na magapabalik saken sa dating ako. Dati na walang pinakikinggang tao kundi sarili lamang...

Dumating sa point na nadedepressed at nakakaron ng stress dahil sa kantatutak na gawain mapabahay man o eskwelahan. Tila ba ang sayang nararamdaman at kinukuha nalang bigla..

Ang saya na tila panandalian lang pala..

Pala-away paden ako pero hindi katulad ng dati. Natauhan na itanggol ang sarili laban sa mga taong may masamang intensyon saken..

Bullying..

Naranasan ko ang bagay nayan. Batuhin ng malalagkit na bagay, pagtripan na kinasasaya nila, at mas matinding masasakit ang binibitawan nila kada nakikita nila ako..

Para akong isang nakakadiring nilalang dahil sa tuwing dadaanan sa harap nila ay lalayo sila na may napaka-arteng reaksyon tila ba para akong may sakit na nakakahawa at iniwasan nila ako dahil sa takot silang mahawa ko..

"Wag! Wag mong gagawen yan!"

Dahil sa sobra kung dinamdam lahat nga di kanais-nais na bagay na dumadating sa araw-araw na kada imumulat ang mga mata ay magtatanong sa sarili kung 'anong mangyayari sa araw na ito' kung may pagbabago ba o ganun paden?

Hanggang sa dumating sa point na napagod na ko. Yung tipong  napakalakas mo lang kahapon pero nag makarinig ka ng mga kahinaan mo ay tila para kang isang nalantang gulay na malapit ng mabulok at itapon sa basurahan kung saan nababagay ka talaga...

Halos ipanalangin ko na hindi na ko magising sa pagkakatulog upang di na makita ang mga bagay na halos unti-unting nagpapahina saken...

"Wala ka talagang pakinabang na bata! Kung alam kong ganyan ka pala edi sana pinatay na kita pagkasilang ko palang sayo!"

Imbes na ang pamilya mo ang maging sandalan mo ay halos sila pa ang nagiging rason ng pagkakadown mo. Imbes na ang mga kamag-anak mo ang maging magandang bulto sayo ay sila den pala ang sisira sa tiwala mo sa kanila..

"Lola.."

Tanging ang nagiisa ko lang tinuturing na magalagang tao ay ang aking mapagmahal na lola. Sermon man at nakakabingi pero mas nananaig paden ng pagmamahal nya saken. Tanging sya lang ang pinakikinggan ko...

Pero tama nga ang kasabihan na 'Lahat nagbabago..' Unti-unting nagbabago ang pakikitungo nya saken. Tila nagsisisi na mas kinampihan nya po ko...

Masakit saken ang halos mawala paunti-unti ang mahahalagang tao. Para bang nabubuhay ako sa madilim na lugar, sumisigaw ng tulog pero ni isa walang nagbabasakaling lumapit saken upang itayo ako sa pagkakadapa...

Sinilang ako na parang nag-iisa sa mundo. Walang kinikilalang kamag-anak, Kaibigan o pamilya man dahil unti-unti na tila akong tinatakwil...

Hanggang napagdesiyunan kong uminom ng sari-saring gamot na hindi na magpapagising saken upang matikman ulit ang bukas na dadagdag pa masasakit kong nararamdaman. Ngunit nabigo ako..

Sinubukan ko deng mag-laslas pero nakamalas talaga ng buhay dahil mas matulis pa ang aking kuko kesa sa gamit kong pangkitil ng buhay ko.. Nabigo nanaman..

Magbigti pero tila napaka-bigat ng aking patpat na katawan dahil sa naputol ang sinasabitan ng lubid.. Kabiguan nanaman..

Sinubukan ko deng mag-suicide pero ganun nalang ang pagtalikod ko dahil sa di ko kayang tumalon baba, namamanhid ang mga tuhod ko kapag nakikita ang babagsakan.. Bigo talaga..

At sinubukan ko deng di kumain ng ilang linggo dahil ito nalang ang tanging paraan ko na mawala sa mapanlait na mundong to. Pero ganun nalang ang pagkasira ng plano ng maging takam ako sa paborito kong pagkain...

Tila ba may pumipigil na saken na gawen and masasamang bagay na yun na syang ikakikitil ng buhay ko..

Pagod na ko sa panahon na yun kaya di na ko naisip kong makakabuti o makakasama ba ang desisyon ko para sa aking sarili..

"Ikaw ang nakalimot hindi kami.."

May pamilya ako, may kaibigan at may mga taong mahahalaga saken ang nakalimutan ko. Tanging sarili ko lang ang iniintindi ko..

Di ko inisip na nasasaktan den sila sa mga maling desisyon ko. Dahil para saken ay wala silang pakealam sa gagawin ko pero ganun nalang ang pagsisisi ko na mas nasasaktan sila kesa saken..

Nakakatikim naman ako ng pasa o sugat, masasakit na salita ay mas triple pala ang nararamdaman nilang sakit kesa saken na sarili lang ang iniisip..

Kinalulimutan ulit ang maling desisyon na nagawa at pilit bumabalik sa dating ako. Nagagawa ko naman paunti-unti pero di paren maiiwasan na may hahadlang na bagay..

"Habang may buhay may pag-asa, Iha"

Bumalik nga ko sa dati. Sabay naunti-unti kong nalalaman ang mga sarili kong kakayahan o talento...

Naging isa akong Anime Scratcher, humuhugit ng mga Anime na habang tumatagal na mga sikat ng Anime Cartoons tulad ng Naruto, Samurai X at iba pa..

Inilalaban nila ako sa tuwing may magaganap na palaksahan. Nanalo minsan talo pero hindi iyon ang susi para sumuko dahil ang minsan pagkatalo ang magiging dahilan upang mas lumaban kapa..

Bumalik ulit sa pagbabasa ng mga kwento sa nakangisnan kong wattpad. Dahil sa namiss ko na ang kwentong nakalimutan ko ay inulit ko ulit ang pagbabasa..

Pinagsabay ko ang pagdradrawing at pagbabasa. Hanggang sa unti-unting nakaron ng interes na maging isang manunulat gaya ng iniidolo kong mga manunulat..

Sila at ang kanilang kwento ang syang naging inspirasyon ko... Pagkatapak sa paaralan bilang Grade 11 at nagsimula nakong magisip ng kwentong syang isususlat ko..

Kung anong magiging flow ng story. Kung anong kalalabasan nito. Kung pano ko sisimulan at tatapusin bago ko mapagdesisyunan isulat..

Iniisip ko kung anong magiging reaksyon ng magiging reader ko kapag nabasa nila ang magiging story ko. Kung anong masasabi nila kapag nagsimula na kong magsulat ng sarili kong kwento...

"Nice!"

Unang ko munang tinanong ang mga kaibigan ko tila nagulat den sila sa binalita ko na magsususlat ako ng kwento..

"Baka dimo na kami mabigyan ng oras ha!"

Sunod kong tinanong ang pinsan ko tulad ko na nahiligan den magbasa ng kwentong wattpad. Nainloved den sya sa mga fictional character kaya nga napagtanto ko na Hindi na ko nag-iisa at nababaliw sa tuwing iiyak at kikiligin mag-isa...

Naging inspirasyon ko ang mga iniidolo kong sikat na manunulat kasama ang kanilang magagandang kwento..

Balang araw ay magiging sikat den ako tulad nila...

'Ngayon ako naman ang magsusulat ng sarili kong gawang kwento..'

Author Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon