SIMULA

6 0 0
                                    


Simula

Naranasan mo na bang pagsabihan ng masasakit na salita? O kaya sabihan na para kang isang baliw dahil tumatawa ka mag-isa habang hawak ang pinakamamahal mong cellphone o makakapal na libro..

Ako kase araw-araw. Masakit pero kailangang tanggapin...

Isa akong estudyante sa isang pribadong paaralan na nangangarap na maging isang sikat na manunulat tulad ng mga kilalang manunulat ngayon. Kada walang klase ay mauupo ako sa isang gilid magkakabit ng headset sa tenga upang di marinig ang ingay ng iba at bubuksan ang cellphone upang magbasa...

Wattpader\Wattpadian yan ang naririnig kong tawag sa tulad namen. Jeje man kung pakinggan pero yan talaga ang tunay..

"Sinong crush mo?"

Tanong ng isa kong kamag-aral ng makalapit sakin. Diko alam kung anong pumasok sa isipan nya at nagtanong ng ganyan. Busy man sa pagbabasa ay sinagot ko ito...

"Marami"

Ngiti kong sabi dito habang abot langit ang kilig ng isa-isahin ko ang mga lalaking nagpapasaya at nagpapakilig saken araw-araw...

"Sino-sino?"

Binalingan ko sya ng di nawawala ang ngiti sa mga labi. Alam kong nagtataka sya kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa kanya pero nagagawa nya paden akong tagalan..

"Jeydon Lopez,
Ace Craige,
Tristan Kurt Lee,
Mark Kiefer Watson,
Deib Lohr,
Knight,
Maxwell Laurent,
Jacob,
Calix,
Dark,
Drake Palma, at maraming pang iba"

Kamot-batok kong sabi habang ini-isa isa ang mga crush ko nahihiya man sabihin ay sinabi ko paden. Lalo akong napahiya ng marinig ang tawanan ng lahat tila narinig ang mga binitawang pangalan na di pamilyar sa kanila..

"Nababaliw kana ha!"

Ito ang dahilan kaya ayaw kong sabihin ang mga lalaking crush ko dahil di sila mga totoong tao. Sila ay kilalang mga fictional character sa wattpad na binabasa ko araw-araw..

"May saltik ata yan sa utak eh"

Masakit man ay hindi ko nalang sila pinansin. Pinagpatuloy ko ang ginagawamg pagbabasa kesa pakinggan ang masasakit na salita na binibitawan nila tungkol saken. Sanay man ay nasasaktan paden ako..

May mga kaibigan ako dahil hindi naman ako lonely tulad ng inaakala nyo. Lagi nila akong sinusupurtahan at sumanasang-ayon sa mga sinasabi ko kahit alam kong di ren sila pamilyar sa mga pangalan lagi kong sinasabi nila..

"Sino-sino ba kase yun? Pinagtatawanan ka tuloy nila"

Maalalahanin silang kaibigan. Nanjan sila sa tuwing ganito ang nagyayari saken. Gagawa sila ng paraan mapagaan lang ang loob ko. Mahal na mahal ko sila at alam kong ganun den sila..

"Mga fictional character sa mga binabasa kong sikat na story"

Sabihan man nila akong abnormal dahil sa mga sinasabi ko. Pero wattpad lang ang tanging nag-papaalis ng mga problema ko sa sarili.. Di man masagot ng kwento ay pinapagaan naman nito ang loob ko na syang mabilis na makaisip ng solusyon..

"Mahilig ako sa mga story pero wala talaga akong natatandaan na ganan ang pangalan"

"Dahil sa wattpad mo lang sila makikilala"

Mapa-paaralan man o bahay ay nakakatanggap ako ng masasakit na salita...

Napagkaalamanan ko na ang wattpad pala ay may masamang maidudulot. Kada uuwi ako ng bahay galing sa eskwelahan ay mag-chacharge ako ng aking cellphone at dadaretso sa computer shop upang don ipagpatuloy ang naudlot na pagbabasa, at pagkauwi ay lalantad ang isang sampal mula sa aking ina na may galit na reaksyon at masasakit na salitang binibitawan naman ng aking mga tiyahin...

Author Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon