jealous

7 2 0
                                    

Kinaumagahan nun may friendship game sila nung idol niya and syempre wala na kami nun pero sinamahan ko parin siya and kita naman sa mata niya kung gaano siya kasaya na kalaro yun. After game nila pumunta na kami sa Jollibee para kumain and nasa likod silang dalawa nag-uusap kung ano ioorder samantalang ako nakapila inaantay mga order nila. Uwing-uwi na ako sa selos nun kaso wala akong magawa. After kumain pumunta pa kami sa milktea shop and nag order kami ng makakain and sabi ko na magpicture silang dalawa. Ako yung nagpicture sakanilang dalawa. Habang kinukuhanan ko silang dalawa gusto ng tumulo ng luha sa mata ko pero pinigilan ko. Tapos pauwi na kami, hinatid ko si Ace pati na yung idol niya sa sakayan nila and after ng ilang araw, hindi na kami nag-uusap ni Ace gaano. Nararamdaman ko na ayaw na niya ako kausap o kaya magmomove on na siya. Bibihira nalang din niya ako replyan syempre wala na kami eh kaya wala na rin ako magawa. Alam ko mali pero binuksan ko account niya kasi nacucurious talaga ako and kaya pala hindi niya ako nirereplyan kasi kausap niya Idol niya. Kasama niya idol niya at iba niyang mga classmate bago siya umalis tapos ako todo chat sakanya pero walang reply syempre wala na kami eh.

LucidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon