text mate

3 1 0
                                    

After namin magpalitan ng number syempre araw-araw kami magkatext. Pero madalas talaga chat.

Tuwing wala lang internet tsaka kami nagtetext.

Tuwing gabi tinatawagan ko siya kasi gusto ko marinig boses niya. Minsan isa sa amin napapadulas at may umaamin sa sobrang antok.

Syempre ako todo banat

"Gusto ko ikaw, ikaw lang, sa akin ka lang"

Anglakas ng loob eh palibhasa inaantok.

Sabi naman niya syempre inaantok na rin

"Wag kang ganyan"

Paulit-ulit lang na ganyan yung reply niya.

Kinaumagahan hindi ko na maalala mga pinag-usapan namin pero siya alalang-alala pa niya.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga naaalala mga pinag-uusapan at landian namin tuwing gabi pagkagising ko ng umaga.

Meron yung napag-usapan namin kung saan kami mag-aaral. Ako unang nagtanong kasi curious ako.

"Saan ka magcocollege?"

Sabi niya

"Sa ibang bansa ikaw ba?"

...
"Anglayo mo naman sa manila lang ako eh. Dibali aantayin nalang kita sa manila tuwing uuwi ka tapos date tayo"

Lakas ko eh wala pa kami niyan

Tumawa lang siya.

LucidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon