school

3 1 0
                                    

Tuwing break nila or break namin pinupuntahan ko siya. Tinatimingan ko nalang kasi syempre di ko naman alam schedule niya.

Basta lagi akong bumababa para makita siya. Gusto ko siyang nakikita eh

Lagi ko siyang pinupuntahan pag uwian na tapos makikipagkwentuhan.

hanggang sa tumagal naging open na kami at comfortable sa isa't-isa. We share our problems, day, and we comfort each other. Pati sa text.

Gabi-gabi nagkwekwentuhan kami ng mga ganap sa school.

Tuwing nasa school kami at natsatsambahan ko na nasa baba siya kasi nga lagi akong baba nang baba. Inaaya ko siya kumain.

Akala mo wala akong klase eh.

Pero saglit lang naman yun mga 5 mins lang kasi intindi naman niya.

Lagi ko rin sinisigurado na nakakain na siya ng lunch niya. Dinadalhan ko rin siya ng tubig kasi mabilis maubos water niya eh.

After school hinahatid ko siya sa sakayan nila to make sure na safe siyang nakasakay.

Then itetext ko siya and sasabihin na

"Ingat ka po. Sabihin mo kung nakauwi ka na ha"

Iuupdate naman niya ako

"Kauwi na po"

And syempre sasabihin ko

"Pahinga po tapos bihis"

Hanggang sa magcall na tuwing gabi at isa sa amin makatulog

LucidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon