Chapter 1

8 1 0
                                    

UwU


"Alex!, table 7 bilis!"

"Yes sir!"

" Alex!, may nahulog na pagkain sa table 3, paki bilisan! "

"Tapusin ko lang po ito sir!"

"Alex, paki linis ng table 5 wala ng naka upo dun!"

"Sige sir!"

Aligagang pinuntahan ni Alex ang bawat lamesa na itinuturo sa kanya ng manager na pinag tra-trabahuan nitong resto, mabilis pero maingat ang bawat galaw ng dalaga sa pag lilinis ng lamesa at pag hakot ng mga pinagkainan ng mga kostumer.

Abala ang dalaga at ang mga kasamahan nito sa trabaho dahil puno ng mga tao ang resto. 
Wala namang bago dun, sikat ang Jollibee kaya hindi nakakapag taka kung hindi sila makakapag pahinga ng kahit 5 minutes lang. Kahit na hassle sa pag ta-trabaho ay mabait ang manager niya at palakaibigan ang mga kasama nya sa trabaho. Kahit di sapat ang sahod ay masaya naman s'yang matanggap at magtrabaho sa resto.

Hindi na naka pagtapos ng kolehiyo ang dalaga dahil sa hirap ng layf. Nang malaman n'yang wala ng susuporta sa kanila noong namatay ang tiyo nya at pilay naman and tiyahin dahil sa aksidente.
Namulat si Alex ng mga oras na siya na ang aasahan ng pamilyang kinalakihan niya.

Bilang pag tanaw ng utang na loob sa kanyang pamilya, ay sinakripisyo ng dalaga ang pag aaral at nag hanap agad ng pag kakakitaan, mahirap man tanggapin sa kanyang loob ay kailangan nyang harapin ang reyalidad para sa mga mahal nya sa buhay.

Pasado alas syete na ng gabi, hindi parin nauubos ang mga nag sisipasok na mga tao sa resto. Dahil part timer lang ang dalaga dito ay may kasunduan sila ng manager na sa pag dating ng alas syete ay tapos na ito sa 'ship' kuno nito.

Dali-daling inilagay ng dalaga sa lababo ang mga ginamit na pinggan at baso at pumasok sa staff room.

Naabutan nya ang manager sa loob.

"Boss tapos na po time ko ha, baka pwede ng maka batsi?, may isa pa po eh" Pag papaalam ng dalaga sa manager habang nag huhubad ng uniform sa tapat ng locker nya, naka sando naman s'ya sa loob ng uniform kaya ayos lang sa kanya ang ganoong lagay.

Hindi sumagot ang kausap ng dalaga kaya tiningnan nya ito. Nakatitig sa kanya ang manager na tila nakakita ng multo. Na conscious s'ya sa sarili kaya tumingin sya sa salamin. Maayos naman ang mukha nya at walang dumi, maayos din ang kanyang pananamit. Kaya nag tataka ang dalaga kung bakit ganito makatitig ang manager.

Ina-abno nanaman siguro ito.

Ngumiti sya rito at mukhang epektibo dahil natauhan ang kausap.

"Oh....right...... Sige tutal nandito narin naman yung kapalit mo"  Tugon ng manager niyang si Sir Nolan na ibinalik na ang tingin sa mga naka label ng kahon.

Palagay ng dalaga ay  nagbubuhat ito ng kahon na nag lalaman ng mga gamit na dadalhin sa storage room. Ipinilig nalang ni Alex ang ulo at tinapos ang pag aayos.

"Teka, Alex" Pigil ng manager sa dalaga ng papalabas na ito ng kwarto, lumingon siya sa  direksyon ng manager. Ibinaba nito ang buhat na kahon at may kinuha sa bulsa.

" Ihahatid na kita, malayo-layo pa pupuntahan mo"

Na naman?

Para kay Alex ay malapit lang ang susunod nyang pupuntahan kaya agad na tumanggi ang dalaga at dali-daling umalis. Alam nyang kabastusan and at the same time ay tama lang ang ginawa nya. Pipilitin nanaman sya nito tulad kagabi na tinakbuhan nya rin. Sa isip ni Alex ay tama na ang dalawang beses na pag tanggap sa alok ng manager, ayaw nyang abusohin ang kabaitan nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretending Series: My Musungit HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon