CHAPTER 4

14 0 0
                                    

Moonbin's POV:

Napabalikwas ako nang narinig ko ang tunog ng alarm ng telepono ko. Hayy anong oras na baga?

Bigla akong napabalikwas sa kama nang nakita kong apatnapung minuto na lamang ay klase na namin. Masiyado ata akong nasiyahan kagabi. Hayyy ang sarap lang ng pakiramdam na napasaya ko siya.

Pagkapaligo ko ay may narinig akong katok. Bigla kong nilagyan ng tapis ang ibaba ko gamit ang tuwalya at dahan-dahang nagpunta sa pinto at binuksan.

"Eunwoo?!" gulat kong tanong pagkabukas ko ng pinto

Halatang nagulat din siya at napapikit bigla

"Ano ba yan magsuot ka nga ng damit!" Saad nito at dahan-dahang binuksan ang mata at pumasok na.

"Bakit ka ba kasi nandito?" lumakad ako patungo sa kwarto at nagmadaling magbihis. Ilang minuto lamang ay lumabas na ko habang nagsusuklay.

"Dinalan kita ng almusal. Nasabi sakin ni Rocky na minsan daw di kana kumakain dahil tanghali ka ng gumising kaya iyan." Nakaupo na ito sa kusina habang tinuturo-turo ang pagkain.

"Luto mo?"

"Sa tingin mo may kasama ko sa room ko? Mag-isip naman huy!"

"Masiyado ka. Tara na nga. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa eh. Dinamihan ko na talaga yan dahil kakain din ako noh."

"O siya o siya, kukuha lang ako ng mga plato." Saad ko at kumuha na ng mga plato at iba pang gamit at inihanda sa lamesa.

"Nacho flavored chicken breast?" tanong ko nang tinikman ko ito

"Oo, yan lang kasi kinaya na gamit ko ngayon."

"Infairness masarap siya."

"Masarap nagluto eh."

Nagulat ako sa mga katagang binitawan niya.

"Kadiri ka." pambibiro ko

"Tss.Kumain na nga tayo anong oras na oh." Saad niya at nagpatuloy na lamang kami sa pagkain.

"Doon tayo." turo ni Eunwoo sa may dulo ng lecture room namin. Sumang-ayon naman ako dahil alam kong ayaw niyang magcause ng scandal kapag maraming nakakita o nakakilala sa kaniya.Kanina pa nga lang noong papasok kami ay ang dami ng nagpapakuha ng litrato sa kaniya kaya ang nangyari ako ang naging cameraman nila.

"Ayos ka rin palang maging camerman." Hagikgik ni Eunwoo nang makaupo kami.

"Tss. Feel na feel mo naman pagiging artista mo." Nakakainis kasi. Ewan ko, nakaramdam ako ng inis sa mga babaeng nakapaligid sa kanya kanina. Kaya ang hirap kapag yung taong gustong gustong gusto mo ay masiyadong sikat. Maraming umaaligid hay.

"Bakit lumungkot ka jan?"

"Ala lang." Biglang pumasok ang proffesor namin kaya tumahimik na kami at nagsimula na lamang makinig.

"You need to be grouped in 3 in this activity. Kailangan niyong magpresent kung paano humikayat ng estudyante na kuhanin ang kursong Architechture. Powerpoint presentation. Ang may pinakamagandang presentation ay maitatanghal sa upcoming event ng school next week. At ipepresent nila ito doon. Wala tayong gagawing activities sa first week natin dahil kailangan niyong magfocus dito. Alam kong may sapat na kayong kaalaman sa Architechture course dahil apat na taon niyo na itong pinag-aaralan.
I'm just gonna announce the groupings now. By thw way you need to past it on friday at irereport niyo din siya at the same day at that day na rin ako pipili ng magpepresent sa upcoming event which is next week, Monday." Mahabang paliwanag ng guro namin.

Nakatitig lang ako sa kung saan nang bigla kong narinig ang pangalan ko kasama ang pangalan ni Eunwoo at pangalan ni Moon Ga Young. Si Moon Ga Young ay tila ba anghel sa kagandahan at matalino rin. Siya ang kalaban ko lagi pagdating sa ranking. First ako and second siya but we're quite friends.

"Please start planning with your groupmates now." saad ng guro namin at umalis na.

"Dito!" tawag ko kay Ga Young dahil hinahanap niya kami. Nakangiti naman siyang nagtungo sa puwesto namin at tumabi kay Eunwoo.

"Moon Ga Young nga pala." saad niya at tumingin kay Eunwoo. Ngumiti siya at inilahad ang kamay. Nakangiti naman itong tinanggap ni Eunwoo.

Awwts Gege. Andito ako noh! Ako yung legal na asawa kahit di niya alam.

"Galing. Nagpakilala agad nako Ga Young." pang-aasar ko. Pero sa totoo lang naiinis na talaga ako.

"Pake mo?" Pambabara nito at natawa naman si Eunwoo. Hayy ge tumawa ka lang

"Baka magpatayan pa kayo jan. So anong plano?" singit naman ng lalaking manhid na di alam na nasasaktan ako.

"Uhm ito na nga, ano ba yung masusuggest niy-" Nagsasalita si Ga Young nang biglang humilab ang tiyan niya

"Nagugutom ka ba?" alalang tanong ni Eunwoo

"Ah eh oo, di ako nakapagbreakfast kanina eh." paliwanag ni Ga Young

"Ganoon ba? Sa cafeteria na lang tayo gumawa, treat kita ng breakfast." Sagot ni Eunwoo

"Nakakahiya naman."

"Wag ka ng mahiya tara na."

"Sige na nga."

At tuluyan na silang tumayo sa mga upuan nila. Galeng.
































Di ata nila alam na may naiwan sila salamat na lang sa lahat Eunwoo.

A/N:
Hi Guysss! So ginanahan akong magsulat ngayon kaya two chapters ang inupdate ko. Hihi maikli nga lang itong chapter na ito. Sinama ko si Ga Young dito and please please please don't hate her in real life ah. Sa book din wag niyo naman siyang isumpa hihi. Sinama ko siya dito para maipromote na rin yung True Beauty nila ni Nunu. Hihi panoorin niyo iyon ah! Let's support Ga Young, Nunu and the other casts and crew of True Beauty.

Support niyo din Ddankong sub-unit HAHAHA! Sa Sept 14 na! Naglabas na kahapon ng updates about sa album kaso di nakisama si pera hays. So guys please support this story hihi. Vote Comment and Share! Hart Hart hihi!

'TILL THE END(BINWOO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon