Moonbin's POV:
Sumunod nalang ako sa kanila patungo sa cafeteria. Isa lang kasi ang klase namin ngayong araw dahil yung ibang teachers nagpost na lang sa school online board namin na bukas na lang daw dahil orientation lang naman ngayon at isa pa busy rin sila sa magaganap na activity next week.Wala gaanong tao sa cafeteria kaya nakahanap na agad sila ng upuan. Dahan-dahan akong tumungo doon at umupo.
Magkatabi silang dalawa habang ako, nasa tapat nila.
"Anong gusto mo?" tanong ni Eunwoo sa katabi nito.
"Kahit ano nalangg." nakangiting sagot ng babae.
"Ikaw?" Ngiting tanong ni Eunwoo
Buti naman at naalala pa ko nito.
"Strawberry shake nalang." saad ko at umalis na si Eunwoo upang umorder.
"Hoy!" panimula ni Ga Young
"Oh?" tanong ko
"Jusko, ang gwapo ni Eunwoo noh?"
"Oo napaka." saad ko ngunit may inis pero hindi ito pinapahalata.
"Napakaboyfriend material niya."
"Boyfriend material agad? Binili lang ng pagkain boyfriend material na?"
"Pake mo ba? Bakit ba ang bitter mo?"
"Ala ala lang to."
"Hoy akala mo diko napapansin yung pagka bi-sexual mo noon?"
Nagulat ako sa sinabi nito. So napapansin niya?!
"Alam mo?" Gulat kong tanong"Ano ka ba oo HAHAHA ako pa ba?" Saka kumindat siya
"Huy wag kang maingay ah." Pakiusap ko
"Ano ka ba bakit naman ako mag-iingay?"
Hayy sadya talagang mabait itong babaeng to. Di ko na siya gaano hate medjo na lang dahil kaagaw ko siya kay Eunwoo.
"Ala, mukang madaldal ka eh." Biro ko
"Totoo naman HAHAHA. Pero may filter naman. Friends na ba tayo?" tanong nito at inilahad ang kamay
"Oo naman." saka ko ito tinanggap.
"Bakit ka nga bitter?" pangungulit uli nito.
"Okay okay. May gusto ako kay Eunwoo." saad ko
"HAHAHAHAHAHA! So akala mo may gusto ako kay Eunwoo? Kaya ganyan ganyan ka?" tanong nito at tumawa-tawa. Jusko bakit? Hindi niya ba gusto si Eunwoo?
"Bakit? Hindi mo ba siya gusto?"
"Hindi sa hindi ko siya gusto but hindi ko lang siya ganoo katype. Gusto ko siya oo, pero hindi as in 100% Kasi mas gusto ko yung mga taong kalog." Saad nito at ngumiti
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Oo hindi niya ito gaano kagusto dahil mas gusto niya ang mga taong kalog, paano na lamang kapag nalaman niyang kalog si Eunwoo? Mas magdedevelop ba yung feelings niya? Hayy. Ayaw talagang pumayapa nitong damdamin ko.
"Ah ganoon ba?" pilit akong ngumiti
"Oo naman kaso" saad nito at halatang may gustong sabihin
"Kaso?" tanong ko
"Hindi ako nakakasiguro kung mananatili akong hindi gaano nagkakagusto sa kaniya." saad nito na nagpatibok ng puso niya.
"Ano kaba ayos lang. Hindi ko naman siya pag mamay-ari at isa pa gusto gusto lang to no ayos lang." Saka ko mas pinilit ngumiti.
"Hayy. Buti naman. Bahala na lang si tadhana sa mangyayari." saad nito at ngumiti
"Bahala na nga lang si tadhana." pagtatapos ng usapan namin dahil biglang dumating si Eunwoo na may dala dalang tray.
"Strawberry Shake para sa iyo" saad nito at inilahad ang shake sa harap ko
"At blueberry cake sating dalawa na may Iced Americano." saka niya inilapag ang pagkain sa harap nilang dalawa. Wews. Ano yan couple food? Hindi ko alam kung bakit may iba talaga akong pakiramdam hays.
"Bin!" nagulat ako sa tumawag sa akin nang sinipsip ko iyong shake.
"Seungkwan!" sigaw ko nang nakita ko ang kaibigan ko. Sumenyas ako para papuntahin siya sa table namin.
"Eunwoo si Seungkwan, kaklase natin at bestfriend ko."pakilala ko kay Eunwoo
Nilahad naman ni Seungkwan ang mga kamay niya at mabagal itong tinanggap ni Eunwoo.
"Anong gusto m-" tatanungin ko sana si Seungkwan ng pagkain na gusto niya nang nagsalita si Eunwoo.
"Uhm, Seungkwan, please excuse us kasi magpaplano kami sa Presentation okay lang ba?" singit ni Eunwoo
"Sure sure. Sorry sa abala." saad ni Seungkwan.
"Seungkwan maya ka na umalis." pag mamakaawa ko
"Maya nalang tayo mag-usap, Bin. Gagawa rin kami ng kagrupo ko sa room. Bye!" saad nito at umalis na.
"Hoy Eunwoo ano yang pinapakita mong attitude?" Inis na tanong ko
"Tama naman ako diba? Nagpunta tayo dito para gumawa at hindi makipagdaldalan lang." saad nito
Napabuntong hininga nalang ako at binuksan ang telepono. Hinanap ko ang numero niya na nakuha ko kahapon at tinipa ang mga katagang,
Mag-usap tayo mamaya.
Narinig ko ang tunog ng telepono niya at pagkabasa niya ay siya nagtipa nang ilang kataga at ibinaba na ito at nagsimula na lamang magsalita ukol sa gagawing proyekto.
Biglang tumunog ang telepono ko.
Sa rooftop, after ng plano natin about sa project.
Pagkabasa nito ay tuloy tuloy na kaming nag-usap ukol sa gagawin naming presentation.
BINABASA MO ANG
'TILL THE END(BINWOO FANFIC)
FanfictionI promise that I'll be your fan 'till the end even though you're already married I'll be your fan Moonbin always thinks about that phrase whenever he thinks about his idol Cha Eunwoo. He knows that he'll stay by his side 'till the end but an unexpec...