It all started with a blood

24 2 0
                                    

Today is Sunday.

"Rein, bumangon kana jan paubos na yung mga stocks natin kailangan mo na mag grocery." sabi ni mama habang kumakatok sa pintuan ng kwarto.

"Opo maaa wait lang."

Grrrr ansakit ng ulo ko tapos parang nakakatamad kumilos -,-

Pagka bangon dumiretso na ako sa cr at naligo. Tapos ay nag ayos narin ako.

"Ito yung listahan ng mga bibilhin mo, kailangan mabili mo ito dahil bukas may pasok kayo." sabi ni mama habang kumakain kami.

"Ma ang dami naman nito ang haba na ng listahan mo oh, kaya ko ba to buhatin." ang daming nakasulat sa listahan parang pang isang taon na itong grocery na bibilhin ko.

"May push cart naman sa SM ah di ka mahihirapan sa pamimili mo tsaka di ka naman maglalakad bibigyan kita ng pamasahe mo."

"Pano sa pag buhat ko nito papuntang sakayan hayssss ako na nga ang bahala ma basta akin sukli ah."

"Sige kunin mo ang sukli tapos lumayas kana dito."

"Hehe joke lang ma alis na ako." eto talaga si mama di mabiro.

Nandito ako ngayon sa sakayan ng jeep at nag aabang. Buti nalang hindi mainit ngayon kaya mapapadali ako sa pagbili.

Shitt sakit ng ulo ko talaga waahhhhh iinom nalang ako gamot mamaya pagka uwi.

So yun sumakay na ako sa jeep hindi naman masyadong siksikan tapos may soundtrip pa si manong driver.

Naka agaw ng pansin ko yung lalaki na nasa harap ko na naka sweatshort na black tapos nakasuot ng hoodie na gray. Meron din syang suot na cap.

Napatingin ako sa kanya tapos bigla syang umiwas ng tingin saken, tinitignan nya ba ako? or assumera lang talaga?

So yun di ko nalang pinansin naging abala nalang ako sa cp.
Biglang nag palit si manong ng sounds.

Sumakay ako sa jeepyney...
At ikaw ang nakatabi..
Di makapaniwala...

Kainis di ko naman sya katabi eh hahahahaha nananadya kaba manong driver?

Parang may hiwagang nadama...
Nang tumama sayo...
Ang aking mga mata...

Tumitingin talaga sya oh tapos biglang iiwas pag nakita ko, konti nalang kakausapin ko na to hahahaha.

Dumukot ako sa bulsa ng barya pang bayad sa pamasahe. Habang binibilang ko ang barya biglang nag preno si manong driver boom lagpak ang barya halaaaa wag nyong kunin sakto lang tong bigay ni mama hahahahaha.

Habang pinupulot ko isa isa ang barya tinulungan ako nitong kaharap ko na magpulot.

"Here." inabot nya saken yung barya.

"Salamat." yun lang yung nasabi ko sa kanya parang nakuryente ako noong dumampi yung daliri nya sa palad ko.

Tumigil na ang jeep dahil nasa tapat na ako ng SM. Parang nalungkot ako bigla wala na sya sa paningin ko.

Pagkapasok ko sa SM pinagtitinginan ako ng mga tao hala anong meron? Anong ginawa ko?

Habang naglalakad may humawak sa balikat ko at kinalabit ako sabay bulong.

"You have a blood stain on your shorts." hala wait ano daw? bobo ako sa english eh.

Ay sya yung kaharap ko sa jeep kanina wow englishero.

"Take this and cover." hinubad nya yung hoodie nya tapos tinali sa bewang ko.

Bakit ngayon pa ako nagkaperiod kung kelan may kailangan ako bilhin

Buti nalang may tshirt sya sa loob kala ko wala eh hmm.

"Wait lang magkakilala ba tayo? Bakit mo ako tinutulungan?" kunwari galit ako hahahaha

"I'm just concerned, may mga kapatid ako na babae kaya alam ko na kailangan mo ng tulong."

Bigla syang tumakbo at nagmamadali. Sabi nya wait ko lang daw sya dito. Edi wait kita sanay naman ako ih.

Ilang sandali lang may dala syang plastick at inabot sakin. May laman yon na shorts, pads at wtfffff underwear?

"H-hindi ko alam size mo sorry nalimutan ko itanong."

Sobrang hiyang hiya ako, parehas na ata kameng namumula sa kahihiyan. No choice kaya sinuot ko nalang wala namang problema.

Pagkalabas ko ng cr nandun sa labas at inaantay ako.

"Hmm mamimili pa kase ako eh."

"Samahan na kita."

"Sa pagtanda?"

"What?"

"Wala hehe."

Papasama lang ako sa pag tanda eh ayaw pa hahahahahahaha.

"Salamat sa lahat ng tulong mo kanina babawi ako promise."

Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay habang bitbit ko ang mga pinamili namin.

"Gusto mo pumasok sa bahay? Dito kana kaya kumain."

"Hmm hindi na hinahanap na din kase ako sa bahay."

"Ahh okayyy ingat ka."

Hindi parin sya umaalis sa tapat ko, ano bang gagawin koooo.

Bigla syang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Contact me if may kailangan ka."

Naglalakad na sya palayo pero nasa tapat parin ako at tinitignan sya.

"Hoooyyyy ingat ka iloveyouuu!!" sigaw ko sa kanya

"Anong sabe mooo?" hala pogi kaso bingi

"Walaaaa bingi kaaaa."

"Iloveyou tooo!!" sigaw na din ng hindi lumilingon habang naglalakad paalis.

15 yrs later...

"Ma bakit po Bloody ang pangalan ni Kuya?"

"Hmm anak kase dun kame nagkakilala ng papa mo."

"Ah okay salamat po."

"Walang anuman Paddy."

8/30/20

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now