Truth or Dare

11 1 0
                                    

"Grabe nakakapagod itong ginagawa natin." sabi ni Claire.

"Guys konti nalang matatapos din natin yan, bukas na ang deadline nito kaya kailangan talaga natin matapos." sabi naman ng leader namin na si Lester

Kahit ako nakakaramdam na ng antok at pagod pero sa tuwing mapapatingin ako sa kanan ko nagkakaroon na naman ako ng lakas ng loob. Yung mala anghel nya na mukha, matangos na ilong, mapulang labi at singkit na mga mata ugh ang cute nyaaaa. Pano ba naman kasi kagrupo ko yung crush ko simula elementary. Feeling ko sobrang swerte ko dahil nagkakaroon ako ng time para makasama sya.

"Uy Leigh! Kanina kapa tulala dyan." sinanggi ako ni Claire at pabulong na sinabi ito sa akin, kaya naman napatingin sya sa direksyon kung saan ako nakatingin. "Kaya naman pala nakangiti, tinitignan na naman yung crush nya. Sarap ba sa feeling na kasama mo sya sa project?"

"Shh wag ka maingay baka marinig ka niya." halos takpan ko na ang bibig ni Claire dahil baka marinig kami ni Liam. "Alam mo naman na crush ko sya elementary palang. Kahit ako na ang gumawa ng project natin basta buong araw ako nakatingin sa kanya sigurado kayang kaya ko ito lahat."

"Naku grabe pala yung tama mo kay Liam."

"Wag mo naman lakasan baka marinig tayo."

"Tinatawag nyo ba ako?" sabay kaming nagulat at napatingin ni Claire kay Liam.

Baka narinig nya yung mga pinagsasabi namin huhu lupa kainin mo na akooo.

"H-huh? hindi naman bakit?" medyo nautal utal pa ako bwiset.

"Ahh okay, paabot nalang yung gunting sa may gilid."

"E-eto oh." parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko noong dumampi yung mga kamay nya sa kamay ko waaahhhhh sabihin ko muna salamat gunting.

"Guys meryenda muna tayo." sabi ni Lester "Ano gusto nyong meryenda?"

Edi si crush..

"Pancit Canton nalang tayo?" sabi ni Claire

"Sige iyon nalang."

"Ikaw Liam ano gusto mo?" tanong ni Lester

shet sana ako...

"Iyon nalang din." tipid na sagot nya

Tapos na kami kumain at halos patapos na din yung project na ginagawa namin.

"Guys tara laro tayo! Pampabawas muna ng stress." sabi ni Claire habang may hawak na bote

Mukhang alam ko na ang mangyayari.

"Ito ang rules natin, ang pinaka mahalaga ay bawal ang KJ okay?"

"Okay game." sabi ni Liam, wow g na g hahahaha

Nasa tapat ko si Liam, sa kanan ko ay si Lester at sa kaliwa ko naman at si Claire.

Pinaikot na nya ang bote at tumapat ito kay Lester.

"Hmm truth or dare?" matapang na sabi ni Claire

"Truth..." sagot ni Lester

"Naalala mo yung may nakita si mam na tae sa cr, ikaw ba ang tumae don?" sabay kindat ni Claire, grabe naman mga tanungan dito kinakabahan na ako.

"Grabe ka naman hehe pero wag nyo ipagkakalat ha, a-ako talaga yun sobrang sakit ng tiyan ko eh."

"Bwahahahaha okay lang yan sige na spin mo na yung bote."

Pinaikot na ni Lester ang bote, sa bawat ikot nito sobrang lakas ng tibok ng puso ko pakiramdam ko ako na ang sunod na magigisa dito.

Dahan dahang tumigil ng ikot nito at tumapat nga ito sa akin.

"Tignan mo Leigh, ikaw ang naturo at si Liam ang magtatanong sayo." sabi ni Claire at natatawa pa

"A-ano naman tatanungin lang naman eh hehe." medyo kinakabahan na talaga ako

"Truth or dare?" tanong ni Liam, parang naaakit ako sa boses nya at the same time kinakabahan grrrr ano ba to

"T-truth." shit kabado talaga ako next time babawi ako sa inyo kainisssss

"I need a clear and honest answer, Do you like me?" hala bakit english lalo akong kinakabahan hahahaha

"Y-yes i like you." kilig na kilig sila Claire at Lester napapatalon pa ang mga ito habang kaming dalawa ay nakaupo parin.

"Okay next, paikutin mo na Leigh."

Babawi talaga ako, grabe yung kaba ko hanggang ngayon.

Pinaikot ko na ang bote at tumapat ito kay Liam, oras na para ako naman ang maghiganti bwahahahahahaha.

"Truth or dare?" maangas na sabi ko, ako naman ang babawi ngayon.

"Dare." walang alinlangan na sagot nya.

Hmm alam ko na..

"Dare ko sayo ay... i-crushback mo ako. Tutal sinabi ko naman sayo na crush kita." confident ako sa sarili ko habang sinasabi ko iyon

"Okay i will, not because its just a dare but because i want. From now on i will start to court you. No more questions that's all."

Literal na napanganga kaming tatlo nila Lester at Claire. Naglakas loob lang ako hindi ko akalain na aabot sa ganito.

Pakurot naman ako sa bunbunan kung nananaginip lang ako huhu.

11/15/20

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now