CHAPTER 3

15 1 0
                                    

Khent

Lumabas ako ng kwarto matapos maghanda papasok sa eskwela. Dumiretso ako sa kusina upang mag-agahan at nang matapos yon ay dumiretso ako sa sala.

"Dos" ika ni daddy na kakagising lang siguro.

"Daddy.." nilingon ko siya at nakita kong kabababa niya lang sa hagdan.

"Naghahanda ka na ba para sa pinakamataas na pwesto ng pagiging isang Rank Warrior?"

Hindi na'ko nagulat sa tanong ni Daddy. Alam kong dalawang magkasunod na pagsusulit nang hindi napapalitan si Uno at gusto niyang ako ang pumalit doon.

"Dad.. she is just a freakin' girl. Matatalo ko siya kahit sa hand to hand combat lang."

Hindi nagtatapos sa pagsusulit ang pagiging isang Rank Warrior ng labinlimang natira matapos nitong maipasa ang lahat ng pagsubok.

Ang pagtatalaga ng mga Rank Warriors ay parang isang pageant na kung saan ipapasa sa iyo ang korona o posisyon, ngunit bago ang lahat, kailangan muna nilang magapi kung sinuman ang kasaluyang nagmamay-ari ng posisyong iyon sa pamamagitan ng pakikipaglaban.

At kung ikaw naman ay kasalukuyang may posisyon na sa pagiging isang Rank Warrior ngunit gusto mo pang mapataas ang iyong posisyon. Maaari mong hamunin ang nagmamay-ari ng posisyong ninanais mong makuha. Sa pamamagitan non tataas ang bilang ng iyong rango at may posibilidad na makuha mo ang pinakamataas na posisyon.

"Magaling ang isang iyon Dos, kaya't hindi mo dapat pinagmamalaki ang sarili mo. Kung magaling ka ay dapat ikaw ang nasa posisyon niya ngayon. Tama ba 'ko?"

Hindi ako umimik.

Alam mong isang pagsusulit na lang at kapag hindi naagaw sa kanya ang posisyon ay tatanghalin siyang Queen ng organisasyon."

Yeah I pretty much know that Dad.. it will just mean that she is undefeated.

Napakaagang nag-init ng ulo ko. Naiinis akong minamaliit ako ng daddy ko dahil sa walang kwentang babaeng iyon.

Alejandra Gray Miranda.

I got the Rank Warrior lists last night. Hindi naman prohibited ang kunin iyon dahil bilang isang miyembro ay tungkulin ko ding alamin kung sino ang mga dapat ipagtanggol at pangalagaan ko.

Well, ako lang ata ang nagtangkang kumuha.

"Makukuha ko ang Rank 1 daddy. May pinalidad na sagot ko sa kaniya. "I'll go ahead. Malelate nako sa school."

Dumeretso ako sa garahe upang kunin ang sasakyan ko at minaniobra iyon papuntang school.

Agad akong pumasok sa gate. Hindi ko pinansin ang mga mata ng karamihan na nakatingin sa akin. Alam kong sikat ako dahil ang parents ko ang may ari ng eskwelahang ito.

Pero ayoko ang isipin na kilala nila ako ng dahil lang sa mga magulang ko kaya pinilit kong makilala nila ako sa larangan ng basketball, music, arts, at kagwapuhan.

Well, just honestly speaking.

Naglalakad ako papunta ng gymnasium ng may umakbay sa balikat ko at agad na pinihit ang katawan ko paharap sa kanina lang ay tinatalikuran ko.

YOU GOT MEWhere stories live. Discover now