CHAPTER 4

8 1 0
                                    

Ali

Panibagong araw na nagising ako ng maayos at matiwasay. Ginawa ko ang paghahanda para sa pagpasok sa eskwela gaya ng nakasanayan.

Papasok na'ko ng gate ng eskwelahan ng may sumalubong sa akin. Isang matangkad na lalaking may kaputian. May itsura ito at animong pinagpala ang mga ngipin sa sobrang lapad ng pagkakangiti.

"Hi"

Tiningnan ko lang siya at ngumiti. Matapos no'n ay patuloy akong naglakad. Inagahan ko talaga dahil gusto kong magpunta sa rooftop.

Gusto kong makita ang araw na pataas mula roon. 6:30AM palang.
Sigurado akong hindi pa iyon masyadong makikita.

Sinabayan ako ng lalaking maputi sa paglalakad.

"Ahm.. Dylan." sabay inabot niya ang kamay sa akin.

"Ali." banggit ko ng pangalan ko.

Nakaramdam siguro na hindi ko aabutin ang kamay nito. Kaya't binawi niya ang kamay.

"I thought your not gonna say your name.. hehe"

"Bakit naman?"

"You look like you don't want to be friends with me"

"Is that so? First impression nila parati sakin yan" nginitian ko siya.

"So you wanna be friends with me?"

"Pwede rin namang hindi.." ngiwi ko.

I actually felt at ease. Hindi ko maramdamang delikado siya. Kaya't hinayaan ko lang siyang sumunod sakin.

"Seriously?" nanghihinayang niyang tanong.. "But I wanna be friends with you!"

Aba! Ikaw pa mapilit ha.

Hindi ko na siya inimik. Binuksan ko ang pintuan papuntang rooftop matapos naming maakyat iyon.

"Anong surname mo?" ani ko habang nakatalikod sa kaniya.

"Salvador" excited niyang banggit. Siguro'y natuwa dahil itinanong ko ang pangalan niya. "Dylan Aysen Salvador"

Note: Aysen pronounce as Eysen

"Hmmm. That means you know me? Don't you?" nilingon ko siya at nginisian.

"Yeah pretty well. I admire you so much" may kinang sa mga matang sabi niya.

It's nice to see you.. Kwatro..

Tumango tango ako.
Binaba ko ang bag ko at lumapit sa kaniya. Binaba niya rin ang bag niya malapit sa pintuan, kinuha niya ang nakahandusay kong bag na ibinaba ko kanina lang at itinabi iyon sa bag niya. Matapos yon ay humarap siya sakin.

I wanna play.

Agad ko siyang sinuntok ng may kabagalan. Yung alam kong masasalag niya. Mabilis niyang iniiwas ang ulo pakaliwa.

Malalaki ang mga matang tinignan niya ako. Nginisian ko lang siya.

Sinuntok ko ulit siya gamit ang kabilang kamay. Muli niya itong iniwasan. Hanggang sa pinagsusuntok ko na siya. Natatawa ako sa tuwing nagugulat siya sa mga suntok kong hindi niya namamalayan. Mabuti na lang at hindi ko binibilisan kaya't naiiwasan niya pa rin ito. Wala siyang ginawa kundi umiwas at tumakbo kaya't umikot ikot lang kami sa rooftop.

Biglang nakaramdam ako ng pagka-irita.

Nakita ko siyang patakbo at palayo na naman sakin.

"Sandale!"

YOU GOT MEWhere stories live. Discover now