CHAPTER 2

11 1 0
                                    

Nakabalik na kami sa room.

Humiwalay samin si Dina at napag usapang magkikita na lang sa parking lot after class.

Khent Andrada

Khent Andrada

Khent Andrada

Khent Andrada

Naulit-ulit ang pagbanggit ng pangalang iyon sa utak ko na para bang kinakabisa iyon.

Naiinis ako sa isiping alam niya ang buong pangalan ko.

Naiinis ako sa isiping nababaliw ako sa lalaking iyon.

Naiinis ako sa isiping bumaba ang konsiderasyon ko sa lalaking iyon.

Naiinis ako sa isiping okupado ang utak ko ng lalaking iyon.

Naiinis ako sa isiping hindi ko alam kung paano mawawala ang k*ng-inang inis na'to ng dahil sa lalaking iyon!

K*ngina.

Iniling ko ng iniling ang ulo ko na parang bang sa pamamagitan non ay mawawala ang isiping umu-okupa sa utak ko.

I'll torture you if I see you again Andrada..

Pinilit kong magfocus sa natitirang subjects ko kahit pa wala akong maintindihan sa mga discussion ng mga panahong iyon.

"Class dismissed" aniya ng last prof namin ngayong araw. Agad na nagsipagkilusan ang mga classmates ko para mag ayos ng gamit at umuwi.

Nanatili ako sa kinauupuan ko hanggang sa makaalis ang mga kaklase ko. Tsaka ako tumayo at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko.

"Celerie" tawag ko. Alam kong hinihintay lang niyang maubos ang tao sa loob ng room katulad ko.

"Bilisan mo, Underground tayo. I need distraction." pagmamadali ko sa kanya.

"Akala ko magdedate kayo ni Khent Andrada?" sarkastikang tanong niya.

Kumunot lang ang noo ko at hindi pinahalatang naapektuhan ako sa sinabi niyang 'yon.

Humarap ako at tiningnan siya ng bored pagkatapos.

Mapang-asar niya lang akong tinawanan.

"Why do you need distraction then?"

"I just feel like I need it."

"Ahhh" tumango tangong aniya na para bang nakuha ng maayos ang sinasabi ko.

"Your paying very attention to whom?"

"Myself maybe? I feel selfish for studying and not doing missions."

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko. Kung anong mga rason pa ang malalabas ko. Pero alam ko kung anong gustong iparating ni Celerie ngunit hindi ko siya hinayaang magtagumpay na makuha ang totoong sagot na gusto niya.

It's better for me to deny it a thousand times. Im not attracted to Khent.

"Ahhh" tumango-tango ulit siya na parang naintindihan ako.

Ibinalik ko ang tingin sa mga gamit kong hindi ko pa tapos ayusin. Akala ko mananahimik na siya at hindi na mag uusisa. Kataka-taka naman kasi talagang mag yaya akong pumunta ng Underground gayong may pasok nga sa eskwela.

"It's bacause of Andrada isn't it?"

Agad akong naestatwa. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako at natakot na din sa isiping masyado ko ngang nai-focus ang atensyon ko kay Andrada.

YOU GOT MEWhere stories live. Discover now