chapter one

9 4 2
                                    

Ang pagtunog ng mga kubyertos at ingay ng mga taong nag-uusap ang maririnig mo lamang sa buong bahay.

Ang amoy ng mga pagkain galing sa kusina ay maaamoy mo hanggang salas. Ang ingay ng videoke sa baba ay maririnig mo hanggang sa kusina.

The noisy surrounding makes me want to hide and stay in a quiet place where I can think about my life. I prefer quiet places than busy ones. Nakakapag-isip ako kapag tahimik.

"Anak, bakit ka ba nagkukulong dito sa kuwarto mo? Lumabas ka naman at makipag-usap ka sa mga bisita." Pagbubulabog ni mama sa akin sa kuwarto.

Napilitan akong lumabas dahil baka puntahan ulit ako ni mama at pagalitan na. Bumungad sa'kin ang mga bisitang kaedad ni mama.

Tuwing kaarawan ko, napupuno ang bahay namin ng mga kumare o kaya'y mga kamag-anak ko. Kaunti lamang ang mga kaibigan kong iniimbitahan ko.

Sa totoo lang, iisa lang talaga ang aking tinuturing kaibigan. Ngunit ito'y mag-aaral na sa ibang bansa. Nakakalungkot mang isipin pero masaya naman ako para sa kaniya.

"Hija, maligayang kaarawan sa iyo! Ito nga pala ang regalo ko. Pasensya na at ngayon lang ulit nakadalaw ang lola." Iniabot sa akin ni lola ang isang maliit na paper bag. Hinalikan ko naman ito sa pisngi at nagpasalamat.

Binabati naman ako ng mga bisita kapag napapadaan ako sa kanila. Dumiretso ako sa kusina at nilapag ang regalo ni lola sa mesa.

Napabuntong hininga ako. Kailan ba matatapos ang araw na ito? Gusto ko na lang humilata sa aking higaan at magmuni-muni.

Sa aking pag-iisip, di ko namalayan na nakalapit na pala sa akin ang isa kong pinsan.

"Ano ba yang iniisip mo at ang lalim naman ata." Sabi niya sabay kagat sa cookies na nasa tupper ware. Ngumiti ako at kumuha naman ng isa. Nakakainggit eh.

"Ah wala yun. Gusto ko lang matapos ang araw na 'to. Napagod lang ako." Tumango lang naman siya at kumuha ng tubig.

"Bakit ayaw mong makihalubilo sa mga bisita? Kaarawan mo naman ngayon. Be happy." Saad niya.

"Bisita ko o bisita ni mama?" Natatawang saad ko. Napahagikgik rin naman siya sa sinabi ko. Pagkatapos ng ilang segundo, binasag nita ang katahimikang namayani sa aming dalawa.

"Oo nga pala. Nakaenroll ka na ba sa college?" Kolehiyo na pala ako sa pasukan. Ang bilis ng panahon. Tumango lamang ako sa inubos ang hawak na cookie.

Umalis na rin siya at dumiretso na rin ako sa kuwarto. Sana lang ay hindi mapansin ni mama na nawawala na naman ako sa labas.

Pagkahiga ko pa lang sa kama ay bumukas ulit ang pinto at iniluwa si lola na nakangiti. Lumapit ito sakin at tumabi sa higaan.

"Dise otso ka na, hija. Wala ka pa rin bang naririnig na boses?" Puno ng pag-asa ang mga mata ni lola habang tinatanong sa akin iyan.

In my eighteen years of existence, my grandma never fail to ask me that every year. May naririnig daw ba ako? Ilang segundo raw ba?

In those eighteen years, I heard and almost memorized that legendary story of how my grandparent met. No, not just my grandparents, but all people do.

Except for me.

Lets say, yes, I am still young and maybe I would hear that "voice" when I grow older. Pero kapag nagkukuwento si lola, sinasabi niyang simula pagkabata na niya naririnig ang boses.

Mula noong nagkaroon na ako ng pag-iisip, wala akong narinig ni isang salita mula sa kaniya.

Papaanong makakarinig ka ng boses kung kayong dalawa lang ang nasa silid? Papaanong makakarinig ka ng boses na hindi man lang marinig ng kasama mo?

Ngunit tumigil daw ang boses nang nagkita sila ni lolo. Even my dad told me he heard my mom's voice every day for 10 seconds until they met.

Lahat ng tao, nakaramdam nito. Lahat maliban sakin.

I gave up on the idea na I do have a soulmate. Baka nga isa ako sa mga namalas na taong walang soulmate.

My heart aches whenever my classmates talked about the voices they hear.

Gusto ko rin maranasan. Kaso anong magagawa ko kung mismong yung mundo na ang may ayaw sa ideyang wala nga talaga akong soulmate.

"Wala talaga eh, lola. Baka nga tatanda akong mag-isa talaga." Tumawa na lang ako kahit may kaunting kirot akong naramdaman.

Ngumiti lang si lola at hinawakan nang mahigpit ang aking kamay. "Asaan na iyong binigay kong regalo sayo?" Tanong niya.

Sinabi kong naiwan ko ito sa kusina at kukunin ko muna. Pagbalik ko, pinabuksan niya ang regalo sa akin. Humungad sakin ang isang napakagandang bracelet. Isa itong charm bracelet.

Napangiti ako nang makita ko ang disenyo nito. Isang kulay puting susi. Common ng design pero napaka espesyal pa rin nito dahil bigay ni lola.

Nasaan ang kapareha nito kung ganoon? Nasaan ang pad lock?

"Kinuha ko lang yung isang pares niyan. Kung wala ka pang maririnig na boses hanggang sa pasukan ninyo, hanapin mo yung nag mamay-ari nung partner ng bracelet mo." Ngumiti si lola at iniwan ako sa aking kuwarto.

Hindi ko mawari kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon. Dapat ba akong matuwa at baka nga ang nakakuha ng pares nito ang aking soulmate? O matakot dahil baka may soulamate na ang tao?

Inalis ko na lamang ito sa aking isip at sinuot ang bracelet. "Sino ka, ikaw na nakakuha ng pares nito?"

—————————————————

your voice is calling meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon