Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik lang na nagmamaneho si Sander na paminsan ay sumsulyap sa kaibigan na halatang tuwang-tuwa sa mga ilaw at mga parol sa daan na nadadaanan nila. Lihim siyang napapangiti sa nakikita sa kaibigan ng biglang nagsalita ito....
"Ang gaganda ng mga parol tsaka mga christmas lights sa daan oh! Paskong pasko na talaga Sander!" sobrang galak na sabi ni Elisa kay Sander. Napangiti nalang ang huli sa kaibigan....
"Ilang pasko pa kaya aabutin ko?" bulong ni Elisa na tama lang para marinig ni Sander, napakunot naman ng noo si Sander sa narinig na sinabi ng kaibigan.
"Anong sabi mo??" nakakunot noong tanong ni Sander at tumingin ng diretso kaibigan. Nabigla naman si Elisa at agad na lumingon dito.
"ahh.... a-ano yun.... wala naman akong s-sinasabi dito ah...." utal na depensa ni Elisa.
"Anong sinasabi mong ilang pasko pa kaya ang aabutin mo? Of course Liz madami pa, madami ka pang aabutang pasko. Mga bata pa tayo noh!" nasa tonong iritadong sambit ni Sander. Napatingin naman ng diretso si Elisa sa kanya..
<Liz po is short for Elisa. Sensiya tamad po ang author ngayon :D >
"S-sabi ko nga! ito naman parang jinojoke lang kita eh. Galit na agad.." - pampagaang na loob namang sabi ni Elisa.
Dahan-dahang lumapit sa kanya si Sander. Para namang nmatuod si Elisa sa kinauupuan niya. 'Lord, anu ba naman tong kaibigan ko. Sabi ngang joke lang eh' sa isip niya. Lalo namang nanghina si Elisa ng hawakan ni Sander ang kanyang pisngi at dahan-dahang nilalapit ang mukha nito sa kanya. Gusto niya itong itulak pero parang tuod na siya at hindi makagalaw. Napapikit na lamang siya ng maramdaman niya ang hininga ng kaibigan sa may bandang tenga niya at biglang nagsalita...
"Marami pang Paskong darating sayo at sa araw na yun. Ako lang, ako lang ang makakasama mo at makakapagbuo ng bawat pasko ng buhay mo...nanlambot naman si Elisa sa narinig na sinabi ng kanyang kaibigan. Alam niyang kaibigan lamang niya ito pero parang makahulugan lahat ng mga salitang binitiwan nito...
"Nandito na nga pala tayo." nakangiting sambit nito. Natauhan namang bigla si Elisa at mabilis na kinuha ang bag niya at bumaba ng kotse.
"Ahh.. Salamat ha. Sige pasok na ako.." pilit na ngumiti siya rito...
"Sandali lang!" pigil ni Sander sa kanya.
Bumilis namang bigla ang tibok ng puso niya. Huminga muna siya ng malalim bago lumingon ulit sa kaibigan niya.
"B-bakit?" - Elisa. kabadong tanong niya.
"Goodbye kiss ko wala?" -Sander. at ngumuso pa ito sa kaibigan.
0_0
Nanlaki ang mata ni Elisa sa inasal ng kaibigan.
"Ano bang nangyayari sayo Sander!!? Kiss mo mukha mo!! Ako pa talaga pinagtitripan mo!!" - agad naman niya sinara ng malakas ang pinto ng kotse.
Mabilis namang tumakbo papasok ng bahay si Elisa at pumasok sa kwarto niya. Si Sander naman ay naiwang nangiongiti at hindi katagalan ay umalis na din...
---------------------------------------------
Sorry po di ko pa din mabubuo. Busy pa ako..
Bawi na din po siguro yan. Nyay! Weh??
Hahhahahah!!!
Vote and comment pag nagustuhan lamang po.!!!!
SALAMUCH =))