Naalimpungatan si Elisa sa sinag ng araw, nakalimutan nga pala niyang isara ang bintana ng kwarto niya at kurtina lamang ang nagcocover dito kaya pumapasok parin ang sinag ng araw.
Sobra kasi ang pag-iisip niya sa kalokohang ginawa ng kaibigan niya sa kanya kagabi 'kahit kelan talaga Sander baliw ka! Bakit ba kasi iniisip ko pa din yung kagabi! ano ba Elisa walang gusto sayo si Sander noh! wag ka ngang umaasa! Tsaka kawawa siya kapag ikaw ang minahal niya! Hindi panghabang-buhay yun!!' inis na sabi ni Elisa sa loob ng kwarto niya.
Bigla namang may sumigaw sa may labas ng pinto ni Elisa ang mama niya.
"Nak! anong nangyayari sayo dyan? Bakit ka sumisigaw? May problema ba? nandito si mama oh kausapin mo ko."
Agad namang napaayos ng upo si Elisa sa kama niya akala niya kasi'y nakapasok na ang mama niya at narinig ang mga kabaliwan niya.
(Yes. kabaliwan talaga! Halata naman eh! :p )
"Ahh.. Ehh.. Hehe! Mama wala, kumakanta lang ako. Maganda kasi gising ko eh. Hehe!! Lalalalala.... Lalalalala......"
Dahilan nalang ni Elisa sa ina at nagkunwari na ngang kumakanta
"Ganun ba? Sigurado ka anak? Sige. Bilisan mo na at hinihintay ka na ng kaibigan mo sa baba!"
0_0
Si Sander? Kaibigan ko? Hinihintay ako? Ehh....
"Eh mama sino pong kaibigan?"
"Si Sander anak! Sino pa ba? Sige bilisan mo na at kanina pa yun naghihintay sa baba!"
Utos sa kanya ng mama niya. Wala nga din kasi siyang kaibigan este meron pala si Kiarra kaso nasa ibang bansa siya at dun nag-iistay with her parents kaya naiwan siya. Ayaw din naman niya sa mga kaklase niya kasi maarte at puro pagpapaganda. Simple lang naman kasi siya pero maganda pa din. Di ba nga SIMPLICITY IS BEAUTY!! .
Agad naman siyang tumayo at kinuha ang tuwalya niya na nakasabit at agad na pumasok sa loob ng banyo..
Habang naliligo siya iniisip niya pa din si Sander 'Nandito siya? Sinusundo niya ako? Liligawan na ba niya ako? Anubeyen! Kinikilig ako! Landee..!!
Ay! Baliw ka talaga Elisa tumigil ka nga sa pagpapantasya mo mamaya magassume ka masyado eh tapos wala naman pala masasaktan kalang. Naku! Maligo ka na nga lang.'
---------------------
Matapos maligo, magbihis at makapag-ayos ni Elisa ay agad na siyang bumaba. Agad naman niyang hinanap si Sander. Mabilis niya itong nakita na nakaupo sa sofa sa may sala nila napansin na din siya nito. Agad namang tumayo at lumapit si Sander sa kanya na may ngiti sa mga labi.
Para namang napako sa kinatatayuan niya si Elisa. Nakatitig lang siya kay Sander na papalapit sa kanya at may malapad na ngiti
'Ang pogi niya grabe!' sambit ni Elisa sa isip niya.
"Alam kong pogi ako. Pero please wag mo naman akong titigan ng ganyan. Baka matunaw ako at mawala sa tabi mo. Sige ka."
Natauhan naman si Elisa sa sinabing yun ni Sander, namula din naman siya nang napansin niyang inilapit ni Sander ang mukha niya sa kanya. Agad naman siyang nakabawi at hinampas si Sander.
"Aray...Aray.. Love masakit!"
0_0
Loading.....................
Loading.....................
LOVE??!!! ako ba yun??!! Bakit love? Ay Elisa magassume na naman!! Malay mo trip ka na naman niyang kaibigan mo. Di ba nga kagabi pinagtripan ka na nyan kaya sigurado pinagttripan ka pa rin nyan ngayon!!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Okay. Yan na! pasensiya sa matagal na UD may exam po kasi kami kaya kailangan magfocus dun.
Ito na po ang UD ko!! Hope you Like it!!
VOTE and COMMENT po!! Salamat :))
Be a fan na din po :D :*
Follow me on twitter @katemasangcay :)
~Kate_SamVon~