Hindi mapakali si Seulgi at nagpapabalik-balik ang tingin sa cellphone para tignan ang oras. Time's ticking bakit ngayon pa sya na stuck sa traffic?!
Biglang tumunog ang kanyanh cellphone, may nagtect na unknown number.
FUCK ASAN KA NA
Capslock para intense at minura pa talaga sya. Hindi naman naka register ang number sa kanya kaya nagtataka sya. Wala sya sa mood para sa prank.
Hu u po
Wala pang isang minuto matapos nya replyan ang galit na nagtext sa kanya ay sumagot na ito.
THIS IS YOUR BOSS, JB, ANONG HU U KA JAN
Nanlamig sya sa nabasang reply nito. Fuck patay na. Rinig na rinig nya ang boses ng pag nag ng lalaki sa sunod sunod na message nito sa kanya. Napababa naman sya ng wala sa oras sa sinasakyan na grab para takbuhin na lamang ang dalawang kilometrong layo mula sa kinaroroonan nya ngayon at ang building kung saan gaganapin ang guesting ni JB.
Pinagbantaan sya ng lalaki na kapag wala pa sya sa loob ng sampung minuto ay tatanggalin na sya agad sa trabaho. First day palang nya!
Bubulong bulong si Seulgi habang naglalakad takbo na makarating lang sa paroroonan.
"Bakit ba kasi pati angkas pinapakialaman nila? Wala tuloy akong masakyan ngayon. Imbes na fresh akong dadating doon e daig ko pa nag marathon." Inis na sabi nya habang pinupunasan ang tumatagaktak na pawis mula sa pagtakbo. Mag-aalas-dies palang ng umaga at may katirikan na ng araw. Kung minamalas ka nga naman.
Pag ako natanggal sa trabaho susugod ako sa opisina nyo.
----------------------
"CAN YOU BE MORE RESPONSIBLE? NATURINGANG FIRST DAY MO LATE KA KAAGAD SA TRABAHO? HINDI MO BA ALAM NA MARAMI KANG NAPEPERWISYO?" Kanina pa nagtatalak na parang babae ang kanyang boss. Walang magawa si Seulgi kung hindi pumasok sa isang tenga at lumabas sa kabila ang lahat ng sinasabi ng lalaki. She was used to this nagging lalo na noong trainee pa sya kaya hindi na rin iba, at sanay na sya kahit papaano.
Lumapit sya kay JB na bahagya nang kumalma at sinimulan nang ayusan ito. Nakausap na rin ni Seulgi si Manager Ryan kanina panandalian bago pumasok ng dressing room, inorient na mainit daw talaga ang ulo ng kanyang boss at pagpasensyahan na kung may masasabi itong hindi magaganda lalo na kung galit ito. Napakanipis din daw kasi ang pisi ng pasensya nito. Kaya habang inaayusan ito ni Seulgi pinanatili nya ang pagiging professional kahit na gusto na nyang bigyan ito ng sapak.
Kung hindi lang ako matatanggal sa trabaho baka nakakita ka na ng stars.
"Everyone! We'll starting rolling in 10 minutes!" Sigaw ng floor director kaya naghanda na ang lahat. Walang pasintabi na tumayo si JB kahit na hindi pa tapos si Seulgi sa pag-aayos dito. Patapos na rin naman sya pero aayusin nya pa dapat ang nakalagay sa labi nito.
Napairap si Seulgi at walang nagawang sumunod na lamang sa set kung saan gaganapin ang 'Tonight With Boy Abunda' shoot.
Tumabi si Seulgi kay Manager Ryan na nakaupo sa hilera ng upuan katabi ng mga writers na nasa likod lang ng cameras.
"Slate! Slate!"
"Asan na si Tito Boy?"
"I'm here!"
"Okay. 1 minute everyone!"
"We'll start rolling in 3... 2... 1... *slate noise*"
Ngayon na lang ulit nakapunta sa set si Seulgi. She used to see this back when she was still a trainee. Bago magkaroon ng Jea. She had cameos sa MVs ng seniors sa kanya kaya alam nya rin kung gaano kagulo sa likod ng camera. All the staffs are working hard too, hindi lang ang mga artista kaya saludo si Seulgi.
BINABASA MO ANG
Serendipity
RomansaSeulgi's a single mom to a 3 year old Jea. She aspired to be an idol back in the day. Then comes an international pop star and producer, Jaebeom. He's tired of the limelight. How can they change each other's lives the way they want it to be? A GOT7...