'tina anak halika, mamaya mo na sindihan iyan' tawag sakin ni daddy na nakaupo ngayon sa sala

Besperas ng bagong taon nasa balkonahe ako ngayon kung saan nandoon pa rin ang nag iisang parol na nakasabit sa ibabaw, sinisindihan ko ngayon ang biniling bingala sakin ni daddy. Tuwing pasko at bagong taon ay palagi kung ginagawa ang pagsindi nito dahil naniniwala ako na kapag sinindihan ko yun kasabay ng paghiling ko sa langit ay matutupad ito. Alas diyes pa lamang ng gabi ngunit ang tahimik na ng bahay ganun din ito noong nagpasko, tila ba pinagkaitan ito ng kasiyahan.
Lumingon ako ngayon kay daddy na nakangiti habang hinihintay na makalapit ako sa kanya, kaya naman dali dali akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

'daddy, magsisindi tayo nito mamaya ha' excited kong sabi habang hinarap sa kanya ang bingalang hawak ko, kasabay nun ay umupo ako sa hita niya.

'pagpatak ng alas dose, tayong tatlo ng mommy mo ang magsisindi niyan. Gusto ba 'yon?' nakangiting sabi nito

'talaga po daddy? Yehey! Sa wakas natupad na ang isang wish ko na magkakasama tayong magsindi nito thank you daddy' sabay sa pagyakap ulit ng mahigpit sa kanya

'o dahan dahan lang anak hindi na makahinga ang daddy mo' napalingon ako sa nagsalita, si mommy na naglalagay na ngayon ng mga pagkain sa mesa. Agad naman akong bumaba sa hita ni daddy at tumakbo papunta sa mesa at dali daling umupo.

'wow, ang sarap naman po nito mommy lahat paborito ko' napapalakpak pa ako sa tuwa habang pinagmamasdan ang nilulutong adobo, kare-kare, iskabetse, manok, spagetti meron ding panghimagas tulad ng salad, leche flan, gulaman at kung anu-ano pa.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit palaging madami ang handa ni mommy tuwing pasko at bagong taon samantalang tatlo lang naman kaming magsasalo salo nito.

'mommy may darating na po ba na bisita mamaya? Ang dami po kasing pagkain e' pagtatakang tanong ko, madami naman ang hinanda namin noong pasko pero mas madami ang hinanda ngayon ni mommy kaya napaisip ako kung may dadating ba na bisita.

'wala tayong bisita anak, ayaw mo ba na pagsaluhan natin ito? Hm?' mahinahong tugon ni mommy sabay haplos ang buhok ko

'gusto po, pero mauubos ba natin ito?' patuloy kong pagtanong

'uubusin ko 'yan para hindi ka na mag alala pa' si daddy na papunta na ngayon sa mesa

'e daddy baka hindi po magkasya sa tiyan mo' napangisi nalang si daddy sa kakulitan ko sa pagtanong

'hindi mo ba alam na may alaga ako sa tiyan? kung minsan nga nagagalit pa ito kung nagugutom ako' nabigla naman ako sa sinabi ni daddy hindi ko akalain na may ganun pala sa tiyan ng tao. Ilang saglit pa nagulat nalang ako ng may biglang tumunog na hindi ko maintindihan sa kung saan. Kaya napatakbo nalang ako sa likuran ni daddy at nagtago, baka kasi nakatakas na ang alaga niya sa tiyan at kakainin ako huhu.

Napansin ko namang napatawa silang dalawa ni mommy.

'o diba sabi ko sayo may alaga ako sa tiyan' nakatawang sabi ni daddy saka humarap siya sakin

'daddy ano po ba iyon' pagaalalang tanong ko

'iyon ang alaga kong tigre, nagugutom na kasi siya kaya dapat na tayong kumain bago pa makalabas ito' nakangisi paring sabi nito
Agad naman akong napabalik sa upuan ko kanina at kumuha na ng pagkain, umupo na rin sina mommy at daddy.

'daddy damihan niyo pa ang pagkain ha para hindi na makalabas ang tigre niyo sa tiyan' sabi ko habang nilalagyan ng ibat-ibang putahe ang pinggan ni daddy

'hay ang kulit mo talagang bata ka' binigyan ko nalang ng ngiti si daddy at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.

ALAS 11:45 ibig sabihin kinse minutos nalang at sasalubungin na namin ang bagong taon.
Nandito na kami ngayong tatlo sa balkonahe nasa likod ko sina mommy at daddy samantalang nasa gitna naman nila ako, tinitingnan namin ang kalangitan na napupuno ng nagniningningang mga bituin. Napatingin ako sa kanilang dalawa, pareho silang nakangiti habang pinagmasadan ang kalangitan makikita mong nagmamahalan sila at masaya ang kanilang pagsasama pero baliktad sa pangyayaring iyon ay nagpapanggap lamang ito sa harapan ko sobrang lapit nga nila isat-isa pero tila ang layo naman ng kanilang mga puso, naiisip ko tuloy na ako ang tulay na nagdudugtong sa kanilang dalawa at kapag sa oras na masira ang tulay ay wala nang daan para makapunta sa kabila.

The LoveStory in San Agustin (Ang bayang Isinumpa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon