Sa buhay
may kanya-kanya tayong
daan na tinatahak,
Kung minsan
hindi natin alam
kung saan tayo
tutungo,
kung ito ba ay
tama o
mali
Minsan tayo'y
naliligaw
pero hindi iyon ang hadlang
upang tayo ay
huminto sa ating
patutunguhan.
May mga daan na
lubak-lubak,
semento,
liko-liko at
tuwid
Pero kahit iba- iba man
ang ating pagdaanan,
iyon lamang
ang
senyales
na tayo ay sinubok sa
ating kapalaran at
tadhana.
Sa bawat daan na
tatahakin
malalaman kung saan patungo
ang nais ng ating mga puso._______________
A/N: Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang.
Fantasy-drama ang istoryang ito nais ko lamang na ibahagi ang nabuo kong kwento na nagmula sa malikot kong imahinasyon. Salamat sa inspirasyon Inay Mia.
Sana ay masiyahan kayo sa pagbabasa, paalala huwag mag expect na maganda ang istorya dahil baka masaktan lang kayo sa huli.Mabuhay!
Sana ay suportahan niyo ako sa aking larangan sa pagsusulat.Maraming salamat!
At mag ingat kayong lahat.#TLISA
Own Story. Do not Copy.
Plagiarism is a crime
BINABASA MO ANG
The LoveStory in San Agustin (Ang bayang Isinumpa)
RandomAting tunghayan ang kakaibang paglalakbay ng pagiibigan nina Arturo at Kristina. Kaya ba nilang ipaglaban ang pagibig na wagas hanggang sa huli o mananatili na lamang ba itong alaala sa lahat, ating tutuklasin kung paano nagsimula ang kanilang kwent...