"Girl, alam mo napaka nega mo talaga, sa tingin mo ba nakakaganda ng fes ang pagdadrama?" sermong sabi ni agnes. Kinuha niya ang isang malapad na puting tela at inilatag ito sa madamong bahagi. Nandito kami ngayon sa luneta park dito namin napag isipang magbagong taon ng kaibigan kong si agnes, ang totoo niyan matagal na naming napagplanohan na pumunta dito kaso laging nauudlot 'yon. At mabuti naman dahil pinayagan kami na dito magbagong taon.

Tinulungan ko na si agnes sa pagayos ng blanket at pagkatapos non ay umupo na kaming dalawa, kinuha na namin ang dalang pagkain sa bag at inilagay iyon sa harapan namin. Alam kong nag aalala tong kaibigan ko sa akin, kasi naman lagi niya akong nakikita na umiiyak na walang dahilan at sa tuwing magtatanong siya kung bakit ay lagi kong iniiba ang usapan.

"magbagong taon na girl, alam mo daig mo pa yung may jowa tapos iniwan. Broken hearted ka ba? May ginawa ba sayo si alister, naging kayo ba tapos iniwan ka niya ng hindi ko alam?" mahabang saysay ni agnes

"ikaw nes ah, wag mo nga isali sa usapan ang bakulaw na iyon! Ang feeling naman niya kung siya ang iniiyakan ko at isa pa never ko siyang sasagutin, ang manyak kaya non!" inis na sabi ko saka napahalukipkip.

Naiinis ako sa taong yun ang feeling talaga, akala mo naman ang gwapo niya he's getting into my nerves dzuhh hindi siya nakakaintindi ng salita, first day of school ng first year college ko noon magisa lang akong nakaupo sa classroom kasi wala akong kilala kahit ni isa, dumating sa room noon ang grupo nila alister ewan kung pinagtitripan lang ba niya ako o ano pero nagulat nalang ako kasi sinabi niyang liligawan daw niya ako tapos sabi ko na hindi ako nagpapaligaw napakatigas ba naman ng ulo? Hanggang ngayon patuloy pa rin siya sa pangugulo ng buhay ko, ilang beses ko na din siyang nireject pero sabi niya hindi daw siya titigil hangga't hindi nagiging kami. Like what the actual F? Anong kailangan niya sa akin? Tumataas talaga ang dugo ko sa kanya. Napapikit nalang ako sa inis.

"hoy girl, okay ka lang ba? May papikit pikit ka pang nalalaman" nakita kong napatawa si agnes kaya pinandilatan ko siya ng mata

"ang taray mo tina ah, kumain ka na nga ito o" sabay abot ni agnes ng sanwich na may palaman na mayonaise sa loob. Kinuha ko iyon at kumagat ng malaki saka nginuya nguya ng may pagka inis. Kinuha ko ang bottled orange juice at saka ininom ito.

"pwede ba nes sa susunod 'wag mo na banggitin ang mokong na iyon? Nasisira araw ko e" kinagat ko ulit ang sandwich na nasa kamay ko at nginuya ulit.

"o sige hindi na, pero pwede mo bang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit ka umiiyak ng magisa? Kasi natatakot na ako sa'yo minsan, baka sabihin nilang inaaway kita." napatingin ako kay agnes na kinain na ngayon ang sanwich niya.
Napahinga ako ng malalim, oo nga pala hindi ko nasabi kay agnes lahat tungkol sa pamilya ko ayaw ko talagang pagusapan ang karanasan ko tungkol sa pamilya dahil patuloy pa rin akong nasasaktan tuwing naalala ko iyon.

Si agnes siya ang bestfriend ko simula nong nagaral ako ng first year college dito sa maynila pareho din kami ng course which is BSIT nasa second year na kami ngayon and still we're helping each other kung may mga lessons kaming hindi nalalaman o naintindihan, sobrang swerte ko sa kanya napaka loving, caring, sweet, at malambing siya.  Kay never ko siyang ipagpalit kanino man. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya.

"nes? Alam kong nagtataka ka sa akin kung bakit umiiyak ako ng wala namang dahilan, ang totoo kasi niyan---" gusto ko sanang sabihin sa kanya ang lahat pero hindi ko gustong may poproblemahin siya tungkol sa akin at sa aking pamilya. Gusto kong masulit ang panahon na magkasama kami na walang bumabagabag na problema. Tumingin ako sa mga mata niya.

"ang totoo kasi namiss ko lang si mommy at daddy, yun lang yun maniwala ka" nginitian ko siya at ngayon siya naman ang humawak sa mga kamay ko.

"kung namimiss mo sila bakit kailangan mong magmukmok? Bakit hindi mo tawagan, alam ko ding namiss ka na nila tina. Naintindihan kita kung ayaw mong magshare about your family pero ang hindi ko maintindihan meron namang communication hindi ba? High tech na tayo ngayon girl, ano pa bang hinihintay mo?" kinuha ko ang kamay ko at tumingin sa nagdadagsaang mga tao dito sa luneta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The LoveStory in San Agustin (Ang bayang Isinumpa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon