Hindi ko namalayang nakatulog din pala ako agad kagabi, sariwa pa din sa utak ko ang nangyari.Ayokong nakikitang umiiyak si Mommy o sino man sa pamilya ko, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ga
noon ang trato ni Ate sa amin ni Mommy.
Kay Daddy ay hindi siya ganoon, wala naman akong nakikitang mali sa sinabi ni Mom kagabi, alam kong mahal niya kaming dalawa.Gustong-gusto ko maramdaman ang pagkakaroon ng kapatid, oo nandiyan si Ate Maci pero bakit hindi niya ko tinuturing na kapatid? Hindi ako kailanman naging masama o nagpakita ng kung anong ikagagalit niya. Simula bata ay madalas kaming hindi nagkakaunawaan, mas lumala ata ngayon.
Hindi ko naman siya masisisi kung ba't ganon siya, mas lalo ko siyang iniintindi.
"Tygann anak, kumain kana para di ka malate at may pasok ka pa," rinig kong tawag ni Mommy.
Is she okay?
Agad din akong tumayo at inayos ang gamit, "Yes Mom, susunod na po."
I forgot to get Yna's number! Sa room nalang siguro kami magkikita.
"Nakatulog ka ba ng maayos anak?" Di ko inaasahang tanong ni Dad, ang akala ko ay pumasok na siya.
Nilapitan ko ito at hinalikan si pisngo, "Good morning Dad, yes po why?" I greet him.
"Your Mom told me what happened last night," batid kong hindi gusto ni Daddy ang nangyari.
"I'm okay Dad, naiintindihan ko po lahat," patuloy kong iintindihin si Ate hanggang sa maging okay na kami.
"I have to go, baka po malate ako," agad kong nagpaalam, hindi na ako nakapag-breakfast ayokong malate ulit.
"Baunin mo 'to anak, hindi ka pa kumakain," inabot ni Mom sa 'kin ang hinanda niyang pagkain.
I kiss her cheek, "Thanks mom."
Katulad kahapon ay medyo ma-traffic pa din ngayon, marahil ay unang buwan ng klase. Sana lang ay di ako malate, kinain ko ang pinabaong sandwich ni Mom habang nasa byahe baka magtampo si Mom pag nalamang di ako kumain.
"Salamat kuya Peto, itetext ko nalang po kayo pag tapos ng klase," ani ko nang pinagbuksan ako ni kuya ng pinto.
Matitiyak ko hindi ako malelate,ang aga kong kumilos at dumating dito. But where's Yna? I'll get her number later. Mabilis akong naglakad patungo sa unang klase, pinagmamasdan ko ang campus hindi talaga ako nagsisisi na dito ko napiling mag college, gusto kong machallenge.
Sa backdoor ako dumaan, buong akala ko ay wala pa ang professor namin kaya napatingin ako sa orasan ko. Maaga pa! Ang aga ni Mrs.Almirol, hiyang-hiya nanaman tuloy akong pumasok. Nakita ko agad si Yna sa likuran, doon ako umupo sa tabi niya dahil bakante naman ito.
"Don't worry di ka naman late, maaga lang talaga si Mrs.Almirol," Tinapik ni Yna ang balikat ko.
"Maybe I should go to school earlier," I smirk.Dapat ba mga 5 in the morning ang gising ko?
Tatanungin ko na sana ang number niya pero naunahan ako nito, "I forgot to get your number yesterday! Hindi ko tuloy alam kung saan tayo magkikita."
I smiled at her, "Yes, I forgot too!" Parehas talaga kami lagi, nagpalitan kami ng number para may info na kami sa isa't-isa.
"Nakakatakot si Mrs.Almirol, I don't know why," aniya habang nakatingin sa Prof namin na nasa harapan.
"Baka dahil parang terror siya?" I said. Siguro nga ay ganoon, mabait naman ang Prof namin baka yun kang ang way ng pagtuturo niya. Mas gusto ko nga yung terror para mas ma-challenge ako!
YOU ARE READING
Bound in Lies (ONGOING)
RomanceTygann, a living embodiment of beauty and kindness. She was one of her father's trustees who were well-known and respected businessmen but lost their title in a snap. Once compared to the innocent snowflake, but turned into a woman full of anger and...