"Yna, dadalaw ako ulit sa bahay-ampunan after class," paalam ko kay Yna.
"Mukhang napapadalas ka doon ah?" Pansin nito, tama naman siya doon.
"And you look stress Talia, di ba dapat ay umuwi ka nakang deresto and take some rest," halatang nag-aalala siya sa 'kin.
"Mas lalo ata akong nai-stress sa bahay Yna, I'm tired," nanghihina akong nagtalumbaba,minsan kasi ayoko nang umuwi dahil sa mga nangyayari sa bahay.
"Don't hesitate to open your problems Talia, makikinig ako," bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
I sigh, "Alam kong napapansin mo din ang pagka-lungkot ko Yna, thank you for you concern. Its about my family. Ang gulo lagi ng isip ko, hindi ko ma-solusyunan yung problemang yun kahit gustong-gusto ko," tila mababasag ang boses ko.
"Si Ate Maci, sobrang nagiiba na siya, lagi siyang galit samin ni Mommy. Iniisip ko kung anong pagkakamali ang nagawa namin sa kaniya," halos naiiyak kong sambit.
Marahang tinapik ni Yna ang balikat ko, "Maybe she's jealous or trying to get attention? May Favoritism ba ang Mom mo?"
"Sa palagay ko ay ganoon nga, pansin kong mas close kami ni Mom eh," I sniff, and now crying.
"Maayos niyo yan pag nagkaroon kayong lahat ng oras para pag-usapan iyang bagay na yan, but for now, cheer up Talia okay? Nandito lang ako for you! Hindi bagay sayo ang malungkot," sambit ni Yna at niyakap ako.
I'm so thankful for having Yna, my best friend who always comforting me. Minsan nga ay hiniling ko na sana isa siya sa kapatid ko. Even we are not sister by blood but sister by heart.
"Para di ka masyadong malungkot, sasamahan kita mamaya, I love you Talia!" Malambing nitong dagdag.
Hindi na ako masyadong nalungkot, "I love you too sis!"
Hinatid kami ni kuya Peto sa pupuntahan namin, dederetso muna ako sa kompanya para ipakilala si Yna kay Dad at mag-papaalam na din na pupunta kami sa bahay-ampunan.
"Kuya pwedeng magstop tayo sa Jollibee? O-order sana ako ng hapunan parasa mga bata," tanong ni Yna, nagulat naman ako sa gusto niyang gawin.
"Nako Yna nakakahiya naman, bisita kita doon!" Pag-tanggi ko, ako nalang sana ang bibili.
"Maliit na bagay lang 'to Talia, pagbigyan mo na ako okay?" Pag-pumilit nito, wala na akong nagawa.
Ipinagtataka ko kung bakit antagal ng usad ng mga sasakyan patungo sa kompanya, hindi naman ito ganoon ah?
"Kuya Peto, traffic po ba talaga dito?" Pag-tanong ko, baka kasi di ko na maabutan si Dad.
Napakamot ito sa ulo, "ahh...Ma'am kasi po ano ehh.." halos hindi niya matuloy ang sasabihin.
"Kuya what's wrong?" I wonder.
"Uh..Ma'am deresto nalang po kaya tayo sa bahay-ampunan," halos hindi ito mapakali.
Unti-unting umusad ang mga sasakyan hanggang sa makita ko kung ano ang dahilan ng traffic. Grupo ng taong nagra-rally. Bakit sila nagrarally sa harap ng kompanya?
Akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng sasakyan pero agad akong pinigilan ni Yna, "Huwag nalang kaya tayo tumuloy? Maybe next time Talia," aniya.
"Tama po si Ma'am Yna, Ma'am Talia dumiretso nalang po tayo sa bahay-ampunan," dagdag pa ni kuya Peto.
"Pero saglit lang talaga ako kuya Peto dito lang kayo," nakalabas na ako bago pa man nila ako pigilan ulit, mabilis akong naglakad papalapit sa mga grupo ng nagra-rally, i want to know why.

YOU ARE READING
Bound in Lies (ONGOING)
RomanceTygann, a living embodiment of beauty and kindness. She was one of her father's trustees who were well-known and respected businessmen but lost their title in a snap. Once compared to the innocent snowflake, but turned into a woman full of anger and...