Chapter 04

13 1 0
                                    

Tumakbo papunta sa 'kin si Yna nang makita ako sa hallway, I miss her! Agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap, "Talia.." parang maiiyak na sabi niya, "Sobrang worry ako sayo! Okay ka na ba talaga? Dapat hindi ka muna pumasok," pag-aalala niya.

"Ano ka ba, halos dalawang linggo na kaya akong absent, baka hindi na ako makapasa niyan?" Pabiro kong sambit.

"Mas mahalaga kaya ang health no, tsaka don't repeat that again," ngumuso ito.

Napamewang ako, "Repeat what?"

"Yung pag sugod sa ganoon! Baka mamaya mapano ka ulit, nag-aalala kami ng parents mo sayo," ramdam ko ang pag-aalala niya sa 'kin.

"Sorry I didn't mean that, I just want to help them pero promise di ko na uulitin pag sa rally," I raised my right hand, "Tsaka pala, nakilala mo ba kung sino yung lalaking naglayo sa 'kin doon?" Baka sakaling namukhaan niya.

"I don't know his name but..." she's grinning, "he's handsome!"

"You're crazy Yna,"  I chuckled, hindi niya kilala pero alam na gwapo, "I'm asking for his name not the look!"

Yna smirk, "Sus aminin mo, mas lalong gusto mong makilala si knight in shining armour mo!" Now she's teasing me! Pero napaisip din ako sa itsura nung sinasabi niyang guy.

I sigh, "And now you are teasing me, at isa pa knight in shining armour ka jan eh nasaksak pa din ako, tinulungan niya lang akong maka-alis,but don't get me wrong huh? I'm thankful pa din kaya nga gusto ko siyang mahanap at pasalamatan ng personal," paliwanag ko kay Yna.

"Oh, calm down! Pero promise he's handsome!" Pag linaw niya, "Nevermind na nga muna, kailangan kitang tulungan sa school works, nahuhuli kana." Tama si Yna, nakaka-pressure din ang pagbabalik ko sa school,cbuti nalang tutulungan niya ako

Magkasama kami ni Yna sa lahat ng bagay simula nang magka-kilala kami. Para kaming matagal ng magka-kilala, para ko na nga siyang kapatid kaysa kay ate Maci eh .Hindi ko siya nakitaan ng bad sides, lahat ng kaniya ay mabuti. Nung dumalaw siya sa bahay nakaraan ay pinakilala ko siya kayla Mom and Dad, nilibot ko din siya sa bahay namin.

Hindi pa nga natatapos ang problema tungkol sa amin, nagkaroon nanaman ako ng bagong iisipin, bukod sa wala pa din akong alam sa rally na naganap at bakit kailangang humantong sa sakitan, iniisip ko din kung paano ko mahahanap yung lalaking naglayo sa 'kin. Is it true that he's handsome?  Mas lalo tuloy akong nagsikap na mahanap siya, nagtanong ako kay kuya Peto at nag-patulong para mahanap siya pero hanggang ngayon ay wala pa ding balita.

Gayunpaman, hindi pa din nawala ang pag-aalala at pagkatakot ko gayun din ang parents ko, si Ate Maci naman ay walang pake sa nangyari sa 'kin, dedma lang ako. Hindi ba siya nag-aalala? Nag-hire din si Dad ng ilan lang bodyguards para kay Ate at kay Mommy kung siya ay lalabas.Nagdagdag din ng security si Daddy sa bahay, ganoon na ba ka-delikado ang sitwasyon namin ngayon? Hindi ko pa din maintindihan.

Pakiramdam ko ay may hindi tama sa mga ito, iwasan ko mang pag-isipan si Dad ay di ko magawa. Anong ginawa niya sa mga taong iyon? Anong kinalaman niya? May alam din ba si Mommy sa mga nangyayari? Kung meron man ay bakit nila kailangang itago sa 'kin ito.

"Ang lalim ata ng iniisip mo Sis!" Napakamot si Yna sa kaniyang ulo, "Iniisip mo pa din ba yung nangyari?" Tanong niya.

Tumango ako rito,"Can you help me...help me to find out what's happening?" I asked her, alam kong hindi siya makakatanggi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bound in Lies (ONGOING)Where stories live. Discover now