T1. New Boarder

22 5 3
                                    

Alliyah Grace Cortez

Antahimik ng daanan. Madilim pa din dahil 5 palang ng umaga. Pero sanay na ako. Tuwing umaga kasi ay nakasanayan ko nang mag lakad lakad papunta sa may manila bay para mag excercise din kahit papaank at makita ang pagliwanag ng paligid. Ang sarap kasing isipin na sa bawat pagtatapos ng isang araw ay may kinabukasan pang darating. Nakakaginhawa ng pakiramdam.

Sana nga lang ganun ang buhay ko. Ang mga bad memories ng buhay ko. Sana pwede ko syang makalimutan pagkatapos ng araw na yun. Pero hindi. Alam kong hindi pwede. Imposibleng mangyari.

Hayy. Grabe, ang aga aga pagi-emo ang inaatupag ko. Makauwi na nga muna sa bahay. Magwawalis pa ako ehh. Buti nalang at wala pang pasok ngayon. Sem break palang kasi namin ehh.

..

"Oh nak! Tara muna at mag almusal muna tayo! Mamaya ka na maglinis!" Dinig kong tawag sakin ni Nana. Sya yung nag alaga at nag aruga sa akin ng iniwan ako ng mommy ko. Hayy, naalala ko nanaman siya.

"Sige po Na! Tatapusin ko lang ito! Saglit nalang po ito pramis!"

Inaayos ko kasi ang mga gamit ko para bukas. May pasok na bukas kaya balik nanaman sa normal ang buhay ko. Klase sa umaga, assistant librarian sa school, at part time waitress sa isang restaurant. Hectic Sched right? RIGHT!

Aleczander Dwight Buenavista

Kasalukuyan akong nag lalakad sa sun. Sobrang init. Di ko na kakayanin. Mamamatay na ata ako. Kapag namatay ako please ipakalat niyo sa buong mundo na minsan ng nag exist sa mundont ito ang isang napakagrapong nilalang na nagngangalang Aleczander Dwight Buenavista.

Joke lang.

wahahaha!

wag niyo ipakalat baka dumami lalo friend requests ko.

Haha.

So ang totoo niyan, hinahanap ko yung address ng bagong apartment ko. Umalis kasi ako sa bahay dahil sawang sawa na ako dun! Saka gusto ko mamubay sa simpleng buhay. Para naman kahit minsan maranasan kong mamuhay bilang isang normal na mamamayan ng pilipinas. Ayoko nung parating ako yung bida ng school namin, laging pinag sisilbihan ng mga maids sa mansyon.

okay, real talk tayo.

Mayaman kami.

At kapag sinabi kong mayaman, MAYAMAN TALAGA. AS IN.

My family ownsdifferent companies around the world. We are one of the richest and powerful family in this planet.

So yeah.rich kid ako. Pero kung umasta para lang akong normal na 2nd year college student na gumigising ng maaga para pumasok, nale late, nag pupuyat, umuutot, nangungulangot, at napapanisan ng laway. So don't need to treat me like a prince or whatever.

"Oy bro, lutang ka nanaman!"

Sya nga pala. Makakasama ko sa paglilipat ng school at ng apartment tong isa pang rich kid kong kaibigan. Isa din siya sa mga kabataang tulad ko na naghahanap ng simpleng buhay. Siya si Tristan James Park. Half Korean pero di halata kasi malutong mag mura yan! haha

Saka isa sya sa mga taong kasundo ko sa lahat ng kagaguhan. At parehas din kami ng ka weirduhan

"De wala. Iniisip ko lang kung bakit tinawag na blackboard ang blackboard eh green naman ang kulay nun."

"Ahh yun ba? tinanong ko dati sa lola ko yun dati ehh sabi nya trip lang kaya wag mo na isipin okay?"

"Ganun ba? geh."

Oh see? haha

..

At last! Nakarating na din kami! Sa dinami ng pinag tanungan namin ay nakita din namin yung apartment na pinakamalapit sa bagong school namin.

Bumaba na kami at chineck kung tama nga yung address.

"Pare sigurado ka bang eto na yun?" tanong sakin ni mokong.

"oo naman. Kita mong parehas ang address sa contact natin ehh. Ang kailangan nalang nating gawin ay hanapin ang land lady dito."

" nu ba yan! Daming hinahanap! Dinaig pa natin ang pinagsamang Dora at Diego eh!"

Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkatok. Syempre tinulungan din ako ng ugok na to. Wala syang choice aba! Baka matulog sya sa kalsada ng wala sa oras.

"May kailangan kayo?" dinig kong boses sa likod namin

Wait. Narinig ko na ata ang pinaka angelic voice sa buong mundo. Sheytt.

Humarap naman ako sa isang maputing babaeng may hawak na walis ting ting at dust pan na mag twalyang nakasabit sa balikat niya na may suot na isang pure white loose t-shirt and leggings na naka sinelas na naka messy ponytail ang buhok. Kahit medyo losyangin ang itsura nya Di maikakaila ang ganda niya.

"Tapos na kayong tumitig?" Mataray niyang sabi.

"A-ahh ano yun miss?" mukhang kasama ko sa pagtitig sa babaeng to si TJ. Sya nga lang ang unang naka recover.

"Ang sabi ko kung anong kailangan niyo. Kanina pa kayo nakatitig sa bahay na yan ehh. Kayo ba ang bagong mangungupahan?" bagot na ulit nito.

"Oo kami nga. Nasan yung land lady dito?" Tanong ko din sa wakas.

"Teka lang at tatawagin ko."

Dumaan siya sa harap namin at nagka tinginan kami nitong mokong na to. Sabay pa kaming napa mouth ang salitang 'chics'. Natawa din kami.

"Nana! Yung mga bagong mangungupahan nandito na!" tawag niya ata sa land lady.

"Teka lang 'nak! lika muna dito at ikaw ang magbantay ng niluluto ko!"

"Opo." sagot niya. Humarap naman ulit siya sa amin ng naka cross arms. " 2000 ang upa, 1500 ang kuryente depende sa gamit niyo, 900 ang tubig at uhmmm. kago na pala bahala sa pag kain niyo. Kaya?" Parang nang hahamon niyang sabi.

Kami? hahamunin niya? Eh kaya nga namin bilhin tong buong luoa nila ehh. Barya lang yun.

"Kayang kaya" Sabi ko with matching smirk pa.

Nakita ko namang napa frown siya at inirapan lang kami at saka walang pasintabing umalis sa harap namin.

Nagkatinginan ulit kami ni TJ.

"Palaban" sabay naming sabi..

maya maya rin ay dumating ang isang babaeng nasa forty ang edad.

"Magandang umaga mga iho. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Yes! mabait siya!

"Ahmm. kami ho yung bagong mangungupahan sa inyo."

"Ahh oo! Sige at ihahatid ko kayo sa inyong pwesto. Dala niyo na ba ang mga gamit niyo?"

"ah opo.. nandito na"

HELLO SIMPLE LIFE!! GOODBYE MY COMPLICATED LIFE!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Real Work of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon