IKATLONG KABANATA

30 2 0
                                    


"Ana, pasensya na ha, hindi ka na maaring sumama sa akin ngayon sa piano lessons"

"Pero pangako, mamaya maglalaro tayo ulit"

"Pangako iyan" wika ni Michi.

"Good Morning Michi, excited ka na ba ngayon sa bagong lesson natin?" ika ng piano tutor.

"Malungkot si Ana ate.. hindi na kasi siya maaring sumama😢"sagot ni michi.

"Tignan nalang natin ito  bilang isang oportunidad Michi, mas makakafocus  ka sa lesson ngayon dahil mag-isa ka lang" sagot ng piano tutor.

"Okay po ate.. " tugon naman ni Michi.

Hindi naging maganda ang takbo ng piano lesson nila mula noong hindi na sinama si Ana. Sinabi iyon ng piano tutor kina Leo at Eloisa.



At dahil doon, hindi sila natuwa sa balita..


Naging dependent  na kasi ang ank nila sa kanyang imaginary friend.

Napagpasyahan nila na gumawa ng aksyon. Nalipat na rin kasi ng workplace si Leo.

Kaya ginawa nila itong oportunidad.

"Sa susunod na linggo ay lilipat na tayo. Masyado kasing mapapalayo ang tatay sa trabaho kapag dito pa tayo mananatili" panimula ni Eloisa.

"At....

Hindi mo maaring isama si Ana sa bago nating tahanan Michi" dagdag nito.

"Hindi! Hindi ako papayag! Isasama ko si Ana!" pagalit na tugon ni Michi.

"Anak, hindi natin maaring isama si Ana" pinal na sagot ni Leo.

"Hindi, Hindi!" pagalit na tugon ni Michi.


Tumakbo si Michi.


Sinubukan siyang sundan




Ngunit hindi na siya kailanman nakita...



Lumipas ang ilang taon..


**Tunog ng mga nasisirang parte ng bahay**





"Hanapin nyo nang maagi! Nakakasigurado akong nandyan si Michi" wika ni Eloisa.


"Naku, hindi ko akalain na ganito kalala ang aabutin ni Aling Eloisa, nawala na ata ang kanyang katinunan" pabulong na sabi ng isang construction worker sa kapitbahay.

"Sinabi mo pa, nanghihinayang ako sa gastos niya" tugon naman ng kapitbahay.


Ang totoo ay...






Si Eloisa ay hindi kailanman nagkaroon ng asawa..


Hindi siya nakapagluwal ng anak..



Nag-iisa siya sa buhay..


Umiikot sa kanyang bahay..


Na kulang sa tulog..


Araw-araw ...


Gabi-gabi....






Ang masayang pamilya...



Ang pamilyang puno nang pagmamahal..





Ang Pamilya De Vera ay produkto lamang ng kanyang imahinasyon..

PAMILYA DE VERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon