UNANG KABANATA

51 3 0
                                    

Si Leo at Eloisa ay 10 taon nang mag- asawa.  Naninirahan sila sa isang payak na tahanan malapit sa dalampasigan. Kahit na sila ay mayroong payak na pamumuhay, ang pamilya ay masaya at puno nang pagmamahal.

Si Eloisa ay masipag at dedikadong ilaw ng tahanan. Nagkakaroon lamang sila ng problema ng kanyang asawa dahil sa pagiging insomniac nito. Kaunti lamang ang oras ng tulog ni Eloisa sa isang araw. Madalas syang paikot ikot sa tahanan at hindi mapakali sa mga bagay bagay. Ngunit kahit ganoon ay suportado ni Leo ang asawa at mahal na mahal niya ito at kanyang mga anak.

Napagpasyahan ng mag-asawa na mag hire  ng piano tutor para sa kanilang anak na si Michi. Bagaman may kuya ito na si Tim, nais nya na magkaroon ng babaeng kapatid. Gusto nya ay mayroon siyang susuklayan, bibihisan ng mga makukulay na kasuotan.  Hindi kailanman ninais ni Michi na matuto ng piano dahil ang hilig nito ay fashion. Ngunit dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang ay pumayag ito.

Isang gabi, habang nag iikot si Eloisa sa tahanan, naisipan niyang tignan ang kwarto ng anak na si Michi.

Nakita nya na humahagikgik ito. Nakakapagtaka dahil wala naman itong kasama sa kwarto.

"Tignan mo, sinasabi ko na sa iyo eh, mas bagay sa iyo ang pulang bestida" wika ni Michi.

PAMILYA DE VERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon