IKALAWANG KABANATA

50 3 0
                                    


"Eloisa, kumalma ka.. ano bang nangyari? Tila yata ay nakakita ka ng multo" wika ni Leo.

Pawis na pawis si Eloisa at bakas sa kanyang mga mukha ang takot.

"Kung nakita mo lang ang nakita ko Leo, si Michi.. nagsasalita mag isa tila may kausap ito na inaayusan niya" wika ni Eloisa. 

"Ano ka ba Eloisa, natural lang sa mga bata ang malalawak na imahinasyon. Marahil nalulungkot sya na wala siyang kapatid na babae kaya bilang makasama niya sa paglalaro" wika ni Leo.

"Pero Leo-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Eloisa dahil niyakap ito ng asawa. At sinabing " Huwag ka na masyado mag alala, normal lamang ang ating anak. Kahalintulad din niyan ang mga kwento ng mga kaibigan  ko sa kolehiyo.  Nagkaroon din daw sila ng mga imaginary friend  pero tignan mo, normal naman silang namumuhay. Likas lamang talaga sa mga bata iyan, kaya huwag ka nang mag alala" mahabang tugon ni Leo.

Dahil sa mga sinabi ni Leo ay napanatag si Eloisa. Hinayaan na lamang ang hilig ng kanilang anak na si Michi.

Dumating na piano tutor  ni Michi. Nasa silid na ni Michi ang  at sinimulan na nila ang unang sesyon.

"Ginang, maari po ba kayong umusog? kayo gusto rin po kasi ni Ana na umupo" wika ni Michi.

"Ha? Sinong ana? Tayong dalawa lamang dito sa silid" wika ng  tutor.

Hindi sumagot si Michi at patuloy sa pagkausap sa kanyang imaginary friend na si Ana.

Nawirduhan ang tutor at medyo nakaramdam ng takot ngunit kahit na ganoon ay ipinagpatuloy niya ang pagtuturo sa bata.

Natapos na ang unang sesyon.

"Kumusta ang pagtuturo mo? Naging good girl  ba si  Michi?" pagtatanong ni Leo.  "Uhm, mabilis naman po matuto si Michi.. ngunit.. tila mag kaibigan siyang hindi natin nakikita? wika ng  tutor. 

"Ay oo, nakalimutan ko nga palang sabihin sa iyo. Ganyan talaga ang anak namin, alam mo na, bata eh. Pagpasensyahan mo na, yang kaibigan niyang si Ana ay produkto lamang ng kaniyang imahinasyon" tugon ni Eloisa. 

"Ngunit hayaan mo, kakausapin namin si Michi na huwag munang isama si Ana sa mga piano lessons niya. Nakikita kasi namin na hindi ka komportable. Nga pala, sabay ka na sa amin sa hapunan" dagdag ni Eloisa.

"Naku, nakakahiya naman po na ako pa po ang mag a- adjust pero salamat po. Mauuna na rin po ako ginang at ginoo. Maraming salamat po sa pag-alok" tugon ng tutor.

"Naku, wala yun.. Ingat ka" wika ni Leo.

Sa hapagkainan ay nagkausap ang mag-anak.

Tinanong ni Eloisa si Tim kung kumusta ang pag aaral nito sa kolehiyo.

"Naku, nay, tay nakakapagod po pero dahil masaya po ako sa aking kurso , nalalampasan ko po yung hirap ang pagod" tugon ni Tim.

"Mabuti naman anak. Masaya ako na nagiging maayos ang buhay kolehiyo mo at na ha-handle mo naman ng maayos ang mga suliranin" wika ni Eloisa. 

"Ipagpatuloy mo lang yan anak, nakikita ko ang potensyal mo nandito lang kami ng nanay mo at nakasuporta sayo" dagdag ni Leo.

"Uhum.. anak, Michi?" pagkuha ng atensyon ni Leo sa anak.

"Ano po iyon tay?" sagot ni Michi.

"Uhm, ang sabi ni tutor mo na mabilis ka daw matuto, nakakatuwa naman iyon. Good job anak! Ngunit anak, napapansin kasi namin na hindi komportable si ate tutor mo na kasama mo si Ana sa piano lessons mo. Maari ba anak..na huwag muna natin siyang isama sa piano lessons mo? wika ni Leo.

"Sige po tay.  Ayos lang naman daw po sabi ni Ana. Hindi ba Ana?" wika nito at sabay tingin sa kaniyang likod na tila kausap nito si Ana sa kanyang likuran.

"Hahahaha ikaw talaga ano mamaya aayusin natin ang buhok mo.. napakagulo na kasi" dagdag ni Michi








PAMILYA DE VERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon