------------------♥♥♥
Chapter 3: Where it all started
------------------♥♥♥
( MY Unconditional Love by akooXiiEncesz)
( flashback )
"Abby bilisan mo . Baka mahuli tayo. Daig mo pa ang pagong eh. "
Reklamo ni Rhianne sa akin. Nagbibihis pa kase ako at baka nga mahuli na kme. Papunta kase kami ng isang activity sa isang organisasyon na kabilang kme ni Rhianne. May bibisitahin kameng mga tao na nangangailangan ng tulong at kalinga. Magtatagal kme ng 3 araw dun . Pagkatapos kase ng pagbisita namin magkakaroon kme ng team building sa kalapit na resort ng pupuntahan nmin.kasama ang iba pang myembro na ngayon pa lng nmin makikilala.
"Oo gurl . Patapos na ako. Pakisabi nman kay Manang Fe na ipahanda na kay Manong Fred ang sasakyan"
Si Manang Fe at Manong Fred ay matagal ng nagtratrabaho sa amin. Simula pa nung mga bata pa kme ni Kuya Tristan. Sila na rin ang nagtatayong magulang namin pag.wala sa bahay sila mommy at daddy. Busy kase talaga sila sa kanikanilang mga trabaho.
"Kanina pa po nakahanda ang sasakyan Maam Abby" - Manang Fe
"Sige salamat po Manang" sabay labas sa bahay. "Tara na Gurl." sabi ko nman kay Rhianne habang bitbit ang mga gamit na kailangan at gagamitin ko para sa pagstay nmin dun , pinabitbit ko na rin kay manang ung iba pa tulad nung mga pagkain at mga bagay na ipapamahagi namin sa mga bibisitahin namin .
"Sige manang pakilagay nlng po sa likod ung iba."
"Hindi ba sasama Kuya mo Abby?" - Rhianne
"Hindi raw eh . May iba daw syang importanteng mga lakad"
"ahh . Ganun ba . Sayang nman" - Rhianne
"Mabuti na rin un noh."
"Sabagay. Para nman wala ng magbabantay sirado sayo dun .HAHA " - Rhianne
"Baliw . Kahit nman nandun sya magagawa ko pa rin gusto ko noh. At siguradong di na rin ako mapapansin nun kase mas iintindihin nya si Ate Rain"
"ay oh. Tama pala. Di pa ba sinasagot ni Ate Rain Kuya mo?" - Rhianne
"Ang tanong nanliligaw ba ang Kuya ko."
"HAHAHA. Hay nku si kuya tristan talaga khit kailan ang torpe." - Rhianne
"Sinabe mo pa.Napapatameme pag nasa harapan na nya si Ate Rain. HAHA "
"anyway . Enough of ur kuya tristan and ate rain.How are you?" - Rhianne
"eto nman. Syempre ok na ok :)" Parang bigla akong nakaramdam ng lunkot sa pagtatanong ni Rhianne skin nun. Kase alam ko kung ano ibig sabihin nya sa pagtanong nun. Pinilit kong ngumiti para nman hindi nya mahalata ang lunkot na nararamdaman ko. Yung lunkot na hindi mo maintindihan kung dapat bang nararamdan mo yun. ewan naguguluhan ako. basta ang alam ko dapat hindi ko muna iisipin ang mga bagay na yun.dahil sa araw natu kailangan kong maging masaya at magpakita ng tuwa sa pupuntahan namin. dahil kung tutuusin mas mabigat naman yung mga problemang dinadala nung mga taong bibisitahin namin ngayon.
BINABASA MO ANG
My Unconditional Love ------------------♥♥♥ (ONGOING)
Novela Juvenil------------------------♥♥♥ "I'd rather feel the pain of being rejected than suffer the pain of regretting for not making him feel how much I LOVE HIM" ~ ENCESz ------------------------♥♥♥