itsslienaaa Zuri-zuri121 rhydhn Sharlud prncssnncybyb ciaratessa elasuncheeze jolinainaudito4 misccfox Carlisxzt AnneErodias sydney_lorraine geomay011 Almirangggg
Basha POVMasama ang tinginan namin ni Marcus habang nasa hapagkainan kami ilang linggo na kaming may alitan. Puro bangayan din ang nangyari sa amin sa tuwing nagkikita kami.
"Nasa harap kayo ng hapagkainna kung ayaw niyong kumain umalis na kayo at sa labas kayo mag-away." naiiling pa si Tatay habang sumusubo ng pagkain na niluto nito.
Ako na lang mismo ang umiwas ng tingin kay Marcus dahil sa takot na kunin ni Tatay ang kinakain ko. Mas mabuting ikain ko na lang ang sama ng loob ko kaysa makipagtitigan ng walang tigil sa borikat na to.
"Pagkatapos niyong kumain maghugas kayo ng pinagkainan may pupuntahan ako sa palengke kaya mag-ayos kayong dalawa kung ayaw niyong matulog sa labas ng bahay." banta ni tatay sa aming dalawa ni Marcus.
Aangal sana ako sa sinabi nito pero pinanlakihan niya ako ng mata. Kaya naitikom ko ang bibig ko dinilaan naman ako ni Marcus pero sinenyasan ko siya na humanda siya mamaya.
"Hindi pa talaga kayo titigil?" napupunong tanong ni tatay sa amin. Inayos ko na lang ang sarili ko lalong-lalo na ang mukha ko ganon din ang ginawa ni Marcus.
Sino ba namang may gustong matulog sa labas ng bahay tatay ko pa naman nagsabi nun malamang gagawin niya talaga. Manang mana ko pa naman ang ugali ng mga to lalo na pag nagalit.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at ng natapos na kami ay ako na lang ang naghugas ng pinggan para wala ng away pang mangyari. Agad ko naman tinapos ang paghuhugas ng pingga para manood ng tv.
Pagdating ko sa sala ay napansin kung wala si Marcus doon. "Asaan po yung ulopong niyong ampon?" tanong ko kay tatay na nanonood ng tv.
"Nandyan lang siguro, may pupuntahan lang daw siya saglit." hindi naman na ako nag-abala pang magtanong ulit kay tatay.
"Punta muna ako kila Bettina tay." paalam ko sa kanya. Ok na din yung walang asungot dito sa bahay sana nga wag nang umuwi yung kumag na yun.
"Wag kang magpapagabi masyado dahil sasarahan kita ng bahay." sigaw ni tatay ng makalabas ako ng bahay. Tanghaling tapat pa lang naman kaya malakas ang loob kung mag-gagala ngayon. Yayayain ko si Bettina na pumunta sa kabilang baranggay para manood ng liga sakto at alas nwebe din naman matatapos yun dahil mag uumpisa ng alas sais ng hapon yung laro.
Mabilis naman akong nakadating kila Bettina dahil halos magkakapit bahay lang naman kami nila Bona.
"Bettinaaa!" sigaw ko ng makapasok ako sa loob ng bahay nila. "Tito Hen asaan si Bettina?" tanong ko sa tito ko na nagkakape pa talaga kahit tanghaling tapat na.
"Nandon sa kwarto niya natutulog puntahan mo na lang doon." tumango naman ako kay Tito bago tumakbo papunta sa kwarto ni Bettina nakita ko naman siyang nakahilata sa kama niya habang tumutulo pa ang laway nito.
"Hoyy gumising kanaa dyann!" sigaw ko habang niyuyuyog ko siya pero tinabig niya lang ang kamay ko.
"Aishh! Inaantok pa ako umalis ka nga dito!" reklamo niya sa akin.
BINABASA MO ANG
May Forever sa Taong Better (Sowbich's Series)
Fiksi RemajaIsang babae na hugotera na nga better pa nbsb kung ika nga. Nabuhay ng walang jowa kaya ayun naging bitter ano kaya ang magiging kapalaran ng isang babaeng walang ginawa kundi ang isumpa ang mga mag jowa?