...pag gusto mong magpakuto sa kanila.
---
["JOSH"]Ikaw: (nangangamot sa ulo)
Josh: (napapatingin sa'yo)
Ikaw: (gigil na kinakamot ang ulo) JOSH!! 'Lika nga rito! Kutuhan mo ako!
Josh: (lumapit sa'yo saka kinutuhan ka)
Ikaw: Dito makati! (kinamot ang bandang makati)
Josh: (may nakuhang kuto at binigay sa'yo)
Ikaw: Oh? Ba't sa'kin mo binibigay? Patayin mo. (nilahad ang kuto kay Josh)
Josh: Ayaw.
Ikaw: ???
Josh: Baka makonsensya ako.
Ikaw: Makonsensya?
Josh: Baka may pamilya iyan. O baka siya pala iyong breadwinner sa pamilya nila. Nakakaawa naman.
Ikaw: Talaga? Nakakaawa?
Josh: (tumango)
Ikaw: (nilagay ang kuto sa buhok ni Josh) Edi alagaan mo nalan--
Josh: Oy! Oy!
Ikaw: Naaawa ka? Kunin mo lahat ng kuto, kuyamad at lisa ko tapos ilagay mo nalang sa buhok mo ah? (ngumiti kay Josh)
Josh: Love...
Ikaw: Pagpatuloy mo na pagkukuto sa'kin.
Josh: T^T Papatayin ko nalang. Sorry guys. (bulong sa sarili)
Mga kuto: (;'༎ຶД༎ຶ')
---
["SEJUN"]Ikaw: Sejun!
Sejun: (lumingon sa'yo)
Ikaw: Pwedeng kutuhan mo ako? Nangangati ulo ko. Daliiii!
Sejun: Am I a monkey to you, babe? Did you know that I'm scared of blood? I don't want to see your blood, babe! What if I suddenly collapsed? So it's a no, babe. I'm sorry.
Ikaw: Ha? Anong sabi mo? Ah ganun ba?
Sejun: Babe? What are you saying? Who are you talking to?
Ikaw: Kinausap ako ng mga kuto, kuyamad at lisa ko. 'Wag mo nalang daw ako kutuhan dahil aalis na raw sila sa buhok ko dahil naubos na raw ang dugo sa kakaenglish mo.
Sejun: .....
---
["STELL"]Ikaw: Mahal! Halika rito kutuhan mo ako. Makati ulo ko.
Stell: K-Kutuhan?
Ikaw: Oo. Bakit?
Stell: Ibig sabihin papatayin natin ang mga kuto mo?
Ikaw: Oo, malamang.
Stell: (napalunok ng laway)
Ikaw: Mahal?
Stell: Y-Yes. Kukutuhan na kita... (lumapit sa'yo)
[Few minutes later...]
Stell: (may nakuhang kuto)
Ikaw: (lumingon kay Stell) May nakuha kang kuto?
Stell: W-Wala mahal. Nakatakas eh. (nagsinungaling)
Stell: (bumulong sa kuto na nakuha kanina at ibinaba sa sahig) Malaya ka na kaibigan. Bilisan mo ang pagtakbo--
Ikaw: (pinatay ang kuto na nakuha ni Stell kanina)
Stell: .....
Ikaw: Mahal? Uy?
Stell: (umiiyak) Rest in peace, kaibigan.
Ikaw: -,-
---
["KEN"]Ken: (palakad-lakad)
Ikaw: Ken.
Ken: (lumingon sa'yo)
Ikaw: Maupo ka nga muna. Kanina ka pa palakad lakad jan. Kutuhan mo nalang ako daliiii!
Ken: (dali-daling lumapit sa'yo at naupo sa likuran mo)
Ken: Saan banda ang makati?
Ikaw: Dito. (tinuro at kinamot)
[Few minutes later...]
[Tapos ka ng kutuhan ni Ken]Ikaw: (napatingin sa lagayan na may takip) Oh? Ba't nakalagay iyong mga kuto ko jan sa lalagyan? Aanhin mo iyan?
Ken: .....
Ikaw: 'Wag mong sabihing...
Ken: (lumapit sa manukan at pinakain ang kuto sa manok)
Ikaw: Kakainin natin iyang manok mo tapos ipapakain mo kuto ko jan?!!! Aba'y magaling!
Ken: Sa wakas may ipapakain na ako sa inyo. (kausap ang manok at pinagpatuloy ang pagpapakain sa mga manok)
Manok: Bokbokbok!!!!
---
["JUSTIN"]Ikaw: Jah! Kutuhan mo ako pleaseee?
Justin: Bago iyan may joke muna ako.
Ikaw: -_- Joke?
Justin: Ano? Joke ko o 'di kita kukutuhan?
Ikaw: Kutusan kita, gusto mo iyon?
Justin: Eh 'di ako marunong magkuto?
Ikaw: Weh? Seryoso?
Justin: Paano ba iyon?
Ikaw: Richkid ka talaga. Kahit siguro kuto 'di mo alam noh?
Justin: Alam ko ah! Grabe ka naman sa'kin, babe.
Ikaw: Suyuran mo nalang ako. Baka abutin pa tayo ng isang taon sa pagtuturo ko sa'yo kung paano magkuto.
Justin: Eh? Ano iyong suyuran?
Ikaw: .....
Justin: Babe?
Ikaw: Tao ka ba talaga?
Justin: Hindi, babe. Bagay ako, bagay ka rin. Kaya bagay tayo.
Ikaw: -_-
Justin: ∩__∩
---
Thanks for readinggg!
BINABASA MO ANG
SB19 Random Scenarios And OneShot (COMPLETED)
FanfictionA fanfic SB19 random scenarios +ONESHOTS! IMAGINE ONLY! IMAGINE! Hshshs. (2020-2022 era) My cringe fangirl phase stories and scenarios🤧😭😹 Almost all scenarios was all reposted from my facebook fan account. Typographical and Grammatical Errors Ah...