(12)SB19 as your husband

641 19 8
                                    

...pag manganganak ka na.

---
["JUSTIN"]

Ikaw: (*dialing Justin)

Justin: (sinagot ang tawag)

Justin📞: Babe--

Ikaw📞: JUSTEEEEEEEN!!!! MANGANGANAK NA AKOOOO!!! NASAAN KA NG LALAKI KA?!!!

Justin📞: N-Nandito ako kanila Josh!

Ikaw📞: POSANGGALA!!! MANGANGANAK NA AKO'T LAHAT KASAMA MO PA RIN SI JOSH!? ANO?! SIYA ASAWA MO?! SIYA BA?!!!!!

Justin📞: Babe, kalma--

Ikaw📞: KALMA!? MANGANGANAK NA AKO TAPOS NANJAN KA SA PUDER NG KABIT MO! HALA SIGE! MAGSAMA KAYO!

Justin📞: O-On the way na, babe!! Eto naman 'di mabiro. Bumili kasi ako ng hospital building para sa pagpapanganak mo hehe--

Ikaw📞: 'Wag mo 'kong niloloko, richkid! Yare ka talaga sa'kin pag nagkita tayo! Puputulin ko iyang--

Justin📞: H-HOY PO!

---
["JOSH"]

Ikaw: JOSH!!! LOVE!!!

Josh: (kabababa lang sa hagdanan) Yes love?

Ikaw: DALHIN MO AKO SA HOSPITAL NGAYON DIN! MANGANGANAK NA ATA AKO! BILISAN MO! AT BAKIT KA NAKATOPLESS?! MAGBIHIS KA NGA!

Josh: T-Talaga? Manganganak ka na ulit?! I-Ibig sabihin pang sampu na nating anak iyan?! Gawa pa tayo, love! Road to soccer team na--

Ikaw: JOSHKO PO! UTANG NA LOOB! DALHIN MO NA AKO SA HOSPITAL!!! SA SUSUNOD NA NATIN ULIT GAWIN IYAN! NAKAKASAMPU KA NA! ANO?! HINDI TAYO MAGPAPAHINGA!? JUSMIYO! MAAWA KA NAMAN SA MATRES KO!

---
["SEJUN"]

Ikaw: SEJUN! MANGANGANAK NA AKO!!!!

Sejun: A-Anong gagawin ko?!!

Ikaw: Malamang dalhin mo ako sa hospital!!!

Sejun: ..... (kabadong iniisip kung ilang oras ang ibabyahe nyo papuntang hospital at baka biglang lumabas ang baby sa sasakyan, iniisip kung malapit na bang maubos ang gasolina)

Sejun: (namutla sa sobrang kaba)

Ikaw: HOY SEJUN! ANO?! TUTUNGANGA KA NALANG DIYAN?!

Sejun: Paano pag naubusan tayo ng gas? (nakatulalang nagtanong)

Ikaw: Taxi! MAG TAXI NALANG TAYO!

Sejun: Paano pag wala tayong makitang taxi?!

Ikaw: ANONG PAANO?! MERON IYAN!

Sejun: Paano pag wala talaga?

Ikaw: MAWAWALAN KA TALAGA NG HOTDOG. MAKITA MO! Huwag mo 'kong binibwiset at baka ilabas ko 'tong anak natin papunta sa mukha mo!

Sejun: O.O JUST KIDDING! LET'S GO WIFE! (binuhat ka papuntang sasakyan nyo kahit napakabigat mo)

---
["STELL"]

Ikaw: (nasa sala) Mahal?!!

Ikaw: STELL?! MAHAL?!!!

Ikaw: MAHAAAAAL!!!!!!

Stell: Yes mah-- OH MY GHAD!!! Ba't may dilaw na tubig?! H-Huwag mong sabihing naihi ka dito, mahal?! Sa sobrang bigat ba ni baby sa tiyan mo 'di mo nakayanang maglaka-- OH! MY! GHAD! Manganganak ka na ba, mahal?!!!

Ikaw: DAMI MONG SINASABI! OO, MANGANGANAK NA AKO!!! PUMUTOK NA IYONG PANUBIGAN KO!!! DALHIN MO NA AKO SA HOSPITAL! ANG SAKIT NA NG ANO KO!!!

Stell: (palakad-lakad) T-TEKA! TEKA 'DI PA PUMOPROSESO SA UTAK KO WAAAAAAAAAAAHHHH!!!

Ikaw: STELL!!! PARANG AWA! MANGANGANAK NA AKO! BILISAN MO NA'T DALHIN MO NA AKO SA HOSPITAL! FEELING KO LALABAS NAAAAA!!!

Stell: (hinawakan ang magkabilaang balikat mo) MAHAL, MAY TIWALA KA BA SA'KIN?

Ikaw: ANO BA IYAN! MAMAYA KA NA MAGTANO--

Stell: Oo o hindi lang ang sagot, mahal.

Ikaw: OO!!! LECHEFLAN BILISAN MO NAAA DALHIN MO NA AKO SA HOSPITAL!

Stell: (ngumiti sa'yo) Hindi! Ako ang magpapaanak sa'yo, mahal! Kaya ko 'to! May tiwala ka sa'kin 'di ba?

Ikaw: WHAT THE?!!!! KELAN KA PA NAGING KUMADRONA ABER?!

Stell: Sabi ko naman kasi sa'yo mahal na marami akong naging raket noong binata pa ako. Don't worry, mahal! May mga assistant ako para sa pagpapaanak mo! Nanjan sila Lester, Vester, Teytey Man, Dodong, Stella at marami pang iba! (kumindat sa'yo)

---
["KEN"]

Ikaw: Ken...

Ken: (lumingon sa'yo at nanlalaki ang matang tumingin sa ibaba mo)

Ken: Langga, ba't ka umihi dito sa sahig? Kakalinis ko lang eh. Tanda mo na talaga, nag uulyanin kana.

Ikaw: Boyset. Manganganak na ako! PANUBIGAN KO IYON! PUMUTOK NA!

Ken: (laglag panga) M-Manganganak?

Ikaw: OO KAYA BILISAN MO NA'T DALHIN MO NA AKO SA PINAKAMALAPIT NA HOSPITAL!

Ken📞: (nanginginig na kinontact ang SB19 members) Sheyt mga dre! Manganganak na asawa ko!

SB19 except to Ken📞: Oh ba't ka napatawag?! Dalhin mo na sa hospital! Gg ka!

Ken📞: Pero--

SB19 except to Ken📞: Anong pero?! Dalian mo na! Baka jan pa iyan manganak!

Ken📞: Pero wala akong maalalang nag ano kami! Iyong ano! Alam nyo na iyon!

SB19 except to Ken📞: SERYOSO?!

Ken📞: Katayin ko pa manok ko eh! Walang nangyari sa amin!!!

Ikaw: KEEEN!!! BOYSET KA! ANONG WALA?! PURO KASI MANOK NASA ISIP MO KAYA NUNG NAG ANO TAYO MANOK DIN NAIIMAGINE MO! LECHEFLAN KA! BAHALA KA SA BUHAY MO! PUPUNTA AKONG MAG ISANG HOSPITAL!

SB19: .....

Manok: Bokbokbok! [Translation: Buang jud!]

---
Thanks for readinggg!

SB19 Random Scenarios And OneShot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon