Sounds Of Heart 06

45 20 0
                                    

Jaxsen's POV


Pumunta ako sa library dahil wala lang gusto ko lang magbasa-basa tutal free time ko naman atsaka di ko mahanap si Stacey e.

Pagkapasok ko nagulat ako nang may makita akong pamilyar na tao, di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kung anung saya dito sa puso ko, ng makumpirma kong si Stacey nga yun.

Lumapit agad ako at kinalabit siya, as expected nagulat siya ng lingunin niya ako, simple yung ganda niya at isa yan sa nagustuhan ko sa kanya.

"J-jaxsen?"

"Hi ^_^ nandito ka pala Stacey, anung ginagawa mo dito?, nagpapalipas ka ng oras?" tanong ko bago ako umupo sa tabi niya.

"Ha? H-hindi, may assignment kasi sa Geometry kaya nandito ako ngayon."

"Ahh, gusto mo tulungan kita?" nakangiti kong sabi sa kanya, kita ko na napangiti, kala ko tatanggapin niya ang tulong ko pero.

"Hindi na, kaya ko naman." sabi niya bago ibalik ang atensyon niya sa libro, ako naman ito tinitigan ko lang siya, ewan ba kung bakit gustong-gusto ko siya, di ko rin masasabi kung gusto as in crush ko lang ba siya o mah-----

*BLAGGG*

Hanggang sa may kamay na pumutol sa tingin ko at bumagsak sa lamesa ng medyo mahina sa pagitan namin ni Stacey dahilan para magulat ako.

"O-oy Sue?" gulat na sabi ni Stacey.

"Oy lalake, ayusin mo yang tingin mo ah." mataray na sabi nito sa'kin pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Ha?, anong tingin?" takhang tanong ni Stacey, napatawa ako ng mahina pero sandali lang yun ng tignan ako ng masama ng kaibigan niya na si Sue.

"Yang tingin mo!, kala mo ah kanina ka pa nakatitig kay Stacey!" masungit niyang sabi.

"Ano ba Sue, ano ba yang pinagsasabi mo?, nag-uusap lang kami ni Jaxsen." bulong naman ni Stacey sa kaibigan niya habang hawak-hawak niya ito sa uniform.

"Anong usap?!, hindi usap yang ginagawa niya!" medyo pasigaw niyang sabi habang nakaturo sa'kin, may ginawa ba akong masama sa kanya at lagi na lang galit kapag nakikita ako?.

"Hey students over there, ssh this is library not a palengke." saway ng librarian.

"Ay ahm sorry po Miss librarian, kasi tara na nga Stacey, magta-time na, sabay na tayong bumaba para makapunta ka na sa sunod mong subject." bulong nito pero sapat na para marinig ko.

"Teka lang, isosuli ko lang ito sa bookshelf." bulong niya kay Sue bago siya tumayo at pumunta sa mga bookshelf, sumunod naman si Sue at ako rin pero pumunta ako sa kabila at dun ko sila sinisilip, nag-uusap pala sila.

"Stacey, dapat di ka lumalapit dun." dinig kong sabi ni Sue kay Stacey.

"Bakit ba galit na galit ka kay Jaxsen ha Sue?, wala namang ginagawang masama sayo yung tao." seryosong sabi ni Stacey bago niya ibalik ang libro, oo nga naman.

Sounds of Heart >>ON GOING<<Where stories live. Discover now