Sounds Of Heart 14

29 12 0
                                    

Nakakabuwiset!, buwiset na buwiset talaga ako ngayon!

"Uy Stella." tawag nila sa'kin, di ko sila pinansin hanggang sa matapos ako sa pagliligpit ko nang mga gamit ko.

"San ka naman pupunta?" tanong ni Suzy.

"Uuwi na!" inis na sabi ko bago ako tumayo't talikuran sila.

"Diba may group activity kayo?" pagpapaalala ni Stacey.

Aish, nakakainis may group activity na naman, at kami-kami na naman ang magkakagrupo.

"Ay ibig sabihin di ka na naman sasabay sa'min pag-uwi?" Sue.

"Ganun na nga." inis na sabi ko bigla namang sumulpot sa harapan ko ang asungot, tsk lalo lang ako nabubuwiset kapag nakikita ko ang asungot na'to, napabuntong hininga na lang ako, may magagawa pa ba ako?.

"Halika ka na, inaantay na nila tayo." nakangiting sabi niya, tsk inirapan ko siya bago ko harapin yung tatlo.

"Ingat kayo sa pag-uwi." sabi ko bago ako maunang maglakad sa asungot na'to na ngayon ay nakasunod sa'kin.

"Sige ingat din kayo sa date niyo!" dinig kong sigaw ni Sue, buwiset!, anung date? baliw na talaga si Sue.

Nung nakarating na kami sa parking lot ay agad na hinila niya ko papunta sa kotse niya, nandun na rin yung ibang kagrupo namin iniintay kami.

Sasakay na sana ako sa backseat ng hilahin na naman ako ako ni Yohann papunta sa front seat katabi ng driver seat.

"Ah, Isabel, bat nandyan ka?" tanong niya kay Isabel na nakaupo katabi ng driver's seat.

"Eh Yohann, gusto kitang katabi" malandeng sabi niya tsk ang arte magsalita kala mo ikinaganda.

"Dun ka na lang sa likod" sabi naman ni Yohann bago ako tignan.

"Ako na lang sa backseat katabi nila." sabi ko bago ko siya talikuran pero hinila niya ako at hiniharap sa kanya dahilan para magsalubong ang kilay ko.

"Anu bang problema mo ha?!" inis na tanong ko sa kanya at marahas na kinuha ang braso ko.

"Ayaw kong katabi si Isabel." sabi niya, ang arte tsk.

"Edi si Danna o Anna na lang ang itabi mo sayo, okay naman si----"

"I-Ikaw ang gusto kong katabi eh." sabi niya bago siya tumingin sa ibang direksyon, anu na naman kaya ang sumapi sa isang ito?

"Oy Yohann, Stella anu na?" Danna na nakadungaw sa bintana ng kotse ni Yohann tsk napaka-arte nila lalo lang nadadagdagan ang pagkabuwiset ko.

"Oy Isabel dito tayo sa likod." si Rico

"Pero Yohann naman, gusto kitang katabi e, gusto ko--"

"Sabing dun ka sa tabi nila, kung ayaw mong paalisin ko kayo sa kotse ko" napatingin ako kay Yohann ng bigla itong magalit, baliw talaga kahit kailan, pag-upo lang sa front seat nagagalit pa?, big deal yun?.

Sounds of Heart >>ON GOING<<Where stories live. Discover now