CHAPTER 14: Revelation

330 20 11
                                    

Devil Don't Fucking Come Near Me! 🔸Chapter 14🔸

Zoe Colette's POV

Hindi pa din lumalabas si Atlas sa kwartong iyon. Ilang beses rin kaming nakakarinig ng tunog nang pagbabasag ng mga baso.

Ilang beses ko na rin nakikita si Manang Faye na nagaakyat ng mga mahahaling baso doon sa taas. Ang lakas lang ng sapak nang demonyong yun dahil mga mamahaling baso pa talaga ang binabasag niya.

Tinanong ko si Kuya Chase kung bakit hindi pa din lumalabas sa kwartong iyon si Atlas ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya ganundin din kay Mixer na bihira lang pumunta dito sa bahay dahil na rin pala tanong ako at kinukulit siya para may makuha akong sagot mula sa kanya.

Hindi naman nila ako masisisi sa pagiging makulit ko dahil habang lumilipas ang araw na hindi ito lumalabas roon at palala ng palala ang ginagawa niya doon sa kwartong iyon hindi maaalis ang pagaalala dito sa aking puso hanggat hindi siya na kikitang lumalabas sa kwartong iyon. Mas tumitindi ito sa mga araw na lumipas.

Hindi rin umuwi itong si Mike kagabi at hindi ko alam kung bakit. Wala din akong natanggap na text mula sa kanya o tawag lang naman para magpaalam na hindi ito uuwi at dahil doon wala akong gaanong tulog.

Isa na din sa dahilan ay itong si Miles na anong oras na natulog kagabi dahil late na itong nagising at dahil doon late na din kaming nakaauwi dahilan para magalit naman si Kuya Chase sa akin.

Gaya ng sinabi ko kahapon gagantihan ko yung mga nambully kay Mia at hindi ko nakakalimutan iyon.

Hindi ko na naabutan si Mia dahil maaga itong pumasok at dahil sa sobrang antok ko hindi ko na ito napansin at nakaalis na pala ito.

Nakaayos na ako at hinihintay na lang na dumating si Maisha, siya kasi ang magdadala sakin doon sa school nila Mia. Alam ni Mia na pupunta ako ngayon sa school nila pero hindi niya alam kung anong oras. Tinawagan ko na rin ang principal nila at pinaalam ko sa kanya na may importante akong sasabihin. Pinatawag ko din ang mga magulang ng mga bata. Paano ko na laman ang mga pangalan nila? Syempre tinulungan ako ni Maisha, mas kilala niya kasi ang mga kabataang iyon kaysa sakin.

Hindi naman ako pinaghintay ng matagal ni Maisha sa labas dahil dumating din naman ito sa tamang oras na ibinigay ko sa kanya. Kasama ko si Miles dahil ayaw niyang magpaiwan. Doon kami sa passenger seat umupo at kandong ko si Miles sa aking hita.

Mabilis na pinaandar ni Maisha ang makina ng sasakyan nang makaupo na kami.

"Girl, gagantihan mo talaga sila?" Paniniguradong tanong ni Maisha sakin.

Nilingon ko ito at seryosong itong nagmamaneho. "Oo, hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nagagantihan ang mga iyon."

Napabuntong hininga ito. "Paano mo naman sila gagantihan?"

"Simple lang gagamitin ko ang kapit ni Atlas para ma-drop out sila sa school yun. Hindi na babagay ang mga iyon doon. Dinudungisan nila ang pangalan ng school natin."

Kung saan nag-aaral ngayon sila Mia at Mike doon rin kami nag-aaral ni Maisha, doon din kami nakapagtapos kaya hindi ko hahayaan na dungisan nila ang magandang pamamalakad ng paaralan na iyon dahil sa ginagawa nilang pambubully.

Inaamin ko na mayroon ding nagaganap na pambubully noon sa batch namin pero hindi talamak gaya ngayon sa batch nila Mia. Takot din kasi dati ang mga nambubully noon lalo na kapag may nakakakita sa kanila, pero ngayon iba na wala kasing pakealam ang mga kabataan ngayon kung may makakakita sa kanila basta magawa lang nila ang gusto nilang gawin sa mga binubully nila.

Devil, Don't Fucking Come Near Me! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon