CHAPTER 3: Condition and Contract

434 23 0
                                    

Devil Don't Fucking Come Near Me!🔸Chapter 3🔸

Zoe Colette's POV

Pinagdikit ang dalawa kong hita at doon yumuko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaganun. Ayokong i-angat ang ulo ko dahil muli ko lang makikita ang pagmumukha ng demonyong manyakis na 'to. Pilit kong tinatanong sa sarili kong bakit ginagawa sakin ng lalaking 'to ang ganung kababuyan. Pilit iniintindi ang sitwasyon ngunit kahit anong gawin hindi pa din maintindiha ng isip.

Muling nanginig ang buo kong katawan sa takot ng maramdaman ang kanyang paggalaw. Ang luhang kusang tumigil ngayon ay umaagos na naman. Ang puso at isip ay hindi alam ang gagawin, nangangamba na baka muling niya na naman gawin ang kaninang ginawa. Mas lalong nanginig ako sa takot ng dumampi ang kamay nito sa aking balikat at marahang pinahiga. Muli siya ay nasa aking ibabaw.

"Please devil, stop." Nanginginig ang boses kong sabihin sakanya iyon.

"Fuck!" Napapikit ako ng marinig ang boses niyang galit.

Patuloy na umaagos ang luha sa aking mata. Hindi ko din mapigilan ang panginginig ng aking katawan. Nagwawala ang puso dahil sa kabang nararamdaman. Habang ang isip nakikiusap na sana itigil niya ang balak na gawin.

Ang kamay niya ay muling naramdam sa aking baywang, napakagat sa sariling labi at napahagulgol ng malakas. Pilit na hindi idinidilat ang sariling mata dahil sa takot na makita ang tingin niyang nanlilisik. Naramdaman ko ang sariling umangat sa pagkakahiga hangga sa muling bumalik sa pagkakaupo.

"Woman, you need to stop crying and open your fucking eyes." Rinig kong wika niya.

Dahil sa takot na muling mangyari sakin ang ginawang kababuyan ng demonyong ito. Iminulat ko ang aking mata, gulat na gulat ako sa sunod niyang ginawa. Ang malambot nitong kamay, dumampi sa aking mukha at pinunasan ang luha sa aking pisngi. Ang malamig nitong tingin ang siyang aking unang nakita pagmulat. Bahagya itong lumapit at dahil doon napahawak ako sa kanyang braso, naramdaman ang pagtampi ng labi niya sa aking noo na siyang ikinagulat ko lalo.

Ang demonyong ito muli na naman nagbago ang pakikitungo sakin at hindi ko alam kung bakit. Pangalawang beses na itong nangyari kahapon at ngayon. Nagbabago ang pakikitungo nito sakin sa tuwing natatapos ang kababuyang ginagawa ngunit hindi niya pa din inaalis ang pagiging manyakis niya. Malaking halimbawa na dun ang ginawa niya kaninang umaga. Lumayo ito sakin at umayos ng upo. Isinandal ang ulo sa upuan. Iniwas ang tingin sakin. Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga niya.

"Mixer?" Malamig na tawag nito.

"Boss?" Rinig kong tugon ni Mixer.

Ang sariling paningin ay hindi ko pa din inaalis sa kanya. Muling ibinalik ni Devil ang malamig na tingin sakin. Ilang minuto akong nakatitig sakanya at pilit na binabasa ang isip ngunit kahit anong gawin hindi mabasa ang kanyang iniisip.

Umawang ang sariling labi. "Why are you doing this to me? Devil, may ginawa ba akong mali sayo?" Nanginginig ang boses ng itanong sa kanya iyon.

Hindi ko na napigilan ang sariling itanong ang bagay na yun. Muling tumulo ang luha sa aking mga mata. Ilang minutong naghintay sa sagot niya ngunit tanging malamig na tingin lang ang aking nakuha.

Wag mo kong tititigan ng ganyan, gusto kong marinig ang sagot mula sayo! Bakit mo ginagawa sakin ang ganung kababuyan? Bakit?!

Muling umawang ang sariling labi ngunit walang lumabas na kahit anong salita. Napagod na ang sariling labing magsalita dahil sa ginawang pagsigaw kanina. Inubos na nang demonyong ito ang lahat ng lakas ko. Tanging pagbuntong hininga na lang ang nagawa. Iniwas ang tingin sakanya at napukaw ang paningin sa brown envelope na nakalapag sa lamesa, na kanina ay wala.

Devil, Don't Fucking Come Near Me! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon