CHAPTER 13: Bullying and Closer

267 21 8
                                    

Devil Don't Fucking Come Near Me! 🔸Chapter 13🔸

Zoe Colette's POV

ANDITO ako ngayon sa cashier area, habang naghihintay ng tamang oras nang aking paguwi, nasa labas ang tingin at naghihintay ng customer. Napukaw nang grupo ng mga kabataang babae ang atensyon ko na mukhang may babanatan na naman. Hawak kasi ng isang babae sa buhok yung isang kaklase nila habang kinakaladkad ito papasok doon sa iskinita.

Ilang araw ko ng napapansin ang mga kabataan na iyan na pupunta lang sa iskinitang iyon para mambugbog ng kapwa nila estudyante. Nakauniform pa ang mga ito na mukhang kalalabas lang galing sa school. May napapadaan naman sa lugar na iyon ngunit walang nagtatangkang mangealam sa kadahilanang mga kabataan lang naman iyon at mukhang maliit na away lang rin na napapalaki dahil grupo ito ng mga estudyante.

Napukaw ang atensyon ko ng pumasok si Maisha na kararating lang dito sa coffee shop.

"Umuwi kana, Colette ako na ang bahalang magsara nito. Magluluto ka pa diba?"

"Yeah, hmph, by the way Maisha bakit mo nga palang pinili magpatayo ng negosyo malapit dito sa school?"

Tumawa ito. "We both choose it, mas malapit kasi ang school natin dito."

Napaisip naman ako sa sinabi nito. Kami ang pumili nito? Wala akong natatandaan na pinili namin ang lugar na ito?

"Mukhang may binubugbog naman yung mga grupo ng mga estudyanteng iyon doon." Nakangiti itong nakatingin doon sa labas kung saan ako nakatingin kanina.

"Wala bang nagrereport sa mga batang yan sa pulis?" Seryosong tanong ko habang inaayos ang sarili.

Napabuntong hininga ito. "Noong una meron, pero nagsawa na ang mga taong nakatira dito. Halos ilang taon na din nilang ginagawa iyan, nakakasawa na."

Muli akong napatingin doon sa labas at mula dito makikita mo ang ngiti sa mga labi ng mga estudyanteng iyon habang nanonood doon sa may iskinita kung saan dinala noong isang babae ang sinasambunutan nilang kaklase.

Napabuntong hininga ako. Pikit mata kong inilayo ang tingin doon sa labas. Pumunta na lang ako sa locker room para ilagay itong delantal ko doon at nagpalit na din ako ng damit, bago ako lumabas.

Pagkalabas ko naabutan ko si Maisha na nagsisimula ng maglinis nitong coffee shop.

"Hindi ka ba susunduin ni Atlas?" Seryosong tanong nito ng mapansin niyang nakaayos na ako.

Umiling ako, "Magta-taxi ako pauwi."

Nakatuon ang atensyon ko sa hawak kong cellphone. Upang i-check kung nagmessage ba sakin si Devil, itinago ko naman agad ito sa bag ng makitang wala.

"Bye, see you later." Tipid kong wika dito bago ko binuksan ang pinto.

"Ingat." Pahabol na wika nito bago ko tuluyang maisara ang pinto.

Naglakad pa ako ng limang minuto papunta sa sakayan bago ako tuluyang makakuha nang taxi. Makalipas ang kalahating oras nakarating na ako sa bahay, napukaw ko agad ang atensyon ni Miles pagkapasok ko sa loob, mabilis niya akong sinalubong ng yakap at halik.

"Mommy... mommy..." Tuwang-tuwang wika nito at hinalik-halikan ako sa aking pisngi.

Nakipag-lambingan muna ako kay Miles bago ako nagsimulang magluto at syempre kasama ko si Miles. Ito lang kasi ang nagiging bonding naming dalawa. Syempre hindi nawawala ang music sa tuwing magkasama kami.

Devil, Don't Fucking Come Near Me! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon