The Letter

19 1 0
                                    

PAOLO'S POV.

Nanginginig ang kamay na pinakatitigan ko ang sobreng iyon dahil baka dinadaya lang ako ng aking paningin.

Ang Arevalo Law Firm ang may hawak ng accounts ng Family Andrada - ang pamilya ni Maila; ang babaeng may-ari ng aking puso na sinaktan ko 10 years ago..

Tinitigan ko ang envelope, hindi ko alam kung bubuksan koba iyon o hindi.

Sa bandang huli ipinasya kong buksan iyon para alamin kung ano ang nilalaman niyon.

Isa pa, hindi rin naman ako matatahimik kapag binale-wala ko iyon.

Nanginginig pa rin ang mga kamay ko ng buksan ko ang letter.

Halos inulit-ulit ko ang pagbasa sa sulat.

Gusto kong masiguro sa nilalaman nito, baka dinadaya lang ako ng mga mata ko; na baka iyon ang nababasa ko dahil iyon ang nais ko talagang mabasa.

Galing iyon sa namayapang Lolo ni Maila.

Tumayo ako ako at lumapit sa glass window ng office ko.

Natatanaw mula roon ang napakagulong kalsada ng Manila.

Shocked pa rin ako.

Hindi ko akalain na bigla na lang akong makakatanggap ng sulat na maaaring magpabago ng takbo ng buhay ko.

Oo nga at araw-araw kong hinihiling na bumalik na sa akin si Maila.

Pero hindi naman sa ganoong way na may kinalaman ang last will and testament ng Lolo nya.

Ayon kasi sa sulat ay babalik na daw sa Pilipinas si Maila at kailangang magpakasal kaming dalawa.

Aaminin kong masaya ako sa ideyang iyon dahil sa paglipas ng mga taon ay wala akong ibang hiniling kundi ang bumalik na siya.

Matagal na din akong naghintay at siguro eto na ang tamang panahon para tuluyanng maghilom ang mga puso namin.

Gayunpaman, natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon ni Maila dahil ng umalis siya ng Pilipinas halos isumpa nya ako sa sobrang galit...

-yanapotz

____________________________________________________________________________

 BAKIT KAYA NAGALIT SI MAILA KAY PAOLO 10 YEARS AGO?

MMMMMM? ABANGAN NATIN SA NEXT UD ^___^

BTW. AYUN YUNG PICTURE SA TABLE NI PAPA PAO SA OFFICE NYA :))) HIHI

A Time to Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon