MAILA'S POV
Los Angeles, California
"WHAT?!" halos malaglag ako sa sofa ng marinig ko ang sinabi ng abogado ni Lolo Gabriel.
"Attorney!" sambit ni Daddy. Maging siya hindi makapaniwala sa narinig.
"You heard it right, at Maila huling hiling ng lolo mo na makasal ka kay Paolo Angelo Cristobal". -Atty.Dela Paz
"That's ridiculous! How could Lolo---"
"Maila!" -putol ni Mommy sa sasabihin ko. Ayaw kasi niyang nagsasalita kami ng hindi maganda sa matatanda lalo na at wala na sila sa mundo.
"Paano kung ayaw ko?" tanong ko kay Atty.
Ipinagpatuloy ni Atty. ang pagbabasa sa last will ni Lolo.
"Walang sinuman ang dapat na magpasya tungkol sa bagay na ito kundi si Maila lamang. Walang sinuman ang dapat na mamilit sa kanya.."
Nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi pa pala tapos..
"Kung sakaling piliin ng aking apo na hindi sundin ang aking kahilingan, mapupunta pa rin sa kanya ang kanyang bahagi sa lahat ng ari-ariang aking iniwan. Subalit kailangang buwagin ang institusyong itinatag ng aking asawa- ang Home For The Girls Foundation." -Atty.Dela Paz
"N-no, hindi yan magagawa ni Dad, Attorney. Alam mong mahalaga kay Mommy ang foundation na iyan", sabi ni Daddy
"I'm sorry Hector, but that's what your father said." -Atty.Dela Paz
"Dissolve the foundation?" di makapaniwalang sabi ko..
"That's ridiculous!. Hindi lang basta itinayo and foundation na yon. That is our legacy! What about the people under the foundations' care? Hindi matatahimik si Lola Criselda kapag nawala yon." -sabi ni Kuya
"Attorney, kung hindi susuportahan ng mga kompanya ni Lolo ang mga foundation, pwede namang kami na lang ang sumuporta don. I can look for sponsors, marami akong pwedeng lapitan," sabad ni ate na hawak ang kamay ko.
"I'm sorry, but your grandfather firmly stated that the three unstitutions shall be dissolved if Maila says no to her grandfather's wishes." -Atty.
"A-alam ba ni Paolo ito? Malamang may pamilya na yung tao." Knowing Paolo, he would the idea absurb.
Ngumiti si Atty. Dela Paz. "Binata pa si Paolo at alam na rin nya ang bagay na ito."
"And what did he say?"
"Nabigla rin sya. As well all know, katulong ng Lola Criselda nyo ang lola ni Paolo sa pagtatayo ng foundation na iyon. he is willing to help."
"He is?" hindi makapaniwalang sabi ko. "And what will he get in return?"
Nagkibit-balikat si Atty. "Well, I really don't know. sa tingin ko, katulad mo rin lang sya na pinapahalagahan ang mga iniwan ng matatanda."
_____________________________________________________________________________
yanapotz
BINABASA MO ANG
A Time to Love.
General FictionPaano kung kailangan mong pakasalan ang lalaking naging dahilan ng heart break mo 10 years ago?